Atom Araullo kinondena ang fake news laban sa ina: Kailan pa naging katanggap-tanggap yung ganito? | Bandera

Atom Araullo kinondena ang fake news laban sa ina: Kailan pa naging katanggap-tanggap yung ganito?

Ervin Santiago - October 19, 2022 - 09:23 AM

Atom Araullo kinondena ang fake news laban sa ina: Kailan pa naging katanggap-tanggap yung ganito?

Atom Araullo

INALMAHAN ng Kapuso news anchor at dokumentarista na si Atom Araullo ang pangre-redtag ng isang netizen sa kanyang ina.

Hindi na napigilan ni Atom ang sarili na magsalita at maglabas ng sama ng loob sa isang Twitter user matapos akusahang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang nanay niyang si Carol Araullo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alfonso Tomas Araullo (@atom_araullo)


Kahapon, October 18, ipinost ng binata ang screenshots ng apat na tweet ng netizen na may Twitter name na @Jey_Owh na matapang na tumawag sa ina ni Atom ng NPA. Bukod dito, inakusahan din nito si Gng. Cariol na siyang “utak ng bombing sa Mendiola.”

Kinondena at pinabulaanan ng broadcast journalist ang walang basehang akusasyon ng nasabing Twitter user.

Depensa ni Atom, “I don’t usually call out private individuals here, but behavior like this should not be normalized.

“Disinformation is a huge problem globally, one that can have deadly consequences,” ang pahayag ni Atom.

Mariin pa niyang sinabi na puro kasinungalingan ang tweet ng netizen laban sa ina,  “@Jey_Owh, don’t do that.

“These are lies, probably fed to you by some of the influencers you follow. Kailan pa naging katanggap-tanggap yung ganito?” ang sabi pa ni Atom.

Narito naman ang mga comments ng Twitter followers ni Atom hinggil sa issue.

“Kasuhan nyo na kasi. Yang mga taong ganyan hindi na yan nadadala sa mga pacall out call out lng.”

“Pero mukhang nasa ibang bansa siya? So sitting pretty lang siya don habang ang Pinas ay lugmok sa utang…”

“You are not alone.i had bad days with her when I had a good comment about Atty.Leni.She joined the twitter conversation attacking me.I decided to block her.I reported her but got comment that there was no basis to suspend.”

“Can we normalize doxxing these scumbags? as in LAHAT silang matatapang na nagkakalat sa social mediang hate and misinformation, dapat may mabuo na task force na mag doxx sa kanilang lahat.”

“Kaya sila dumarami na parang peste sa palayan ay dahil hinahayaan lang at di nabibigyan ng sample. Hindi sila natutusta sa csll out lang. Sobrang lala na!”

“@NBI_OFFICIAL_PH cybercrime div, @pnppio @pnpdpcr kailangan pa ba tanungin kung may threat natatanggap journalists? @benhurabalos @DILGPhilippines @DOJPH siguro hawak niyo na rin address ng mga ganitong trolls ng trapo? Coordinate with @TwitterPH.”

“Shanginang @Jey_Owh, isa pang bulag na alagad ng sinungaling. Hiyanghiya naman ako sa talino mo, sa balat mo at sa pamilya mo. Makapagsalita , Ano ambag mo sa Bayan? Pagsisinungaling? O paghimod sa banil ng idol mo?”

Atom Araullo, Zen Hernandez inulan ng tukso sa socmed, magdyowa nga ba?

Kuya Kim, Atom Araullo, Julius Babao inokray ng basher: May nanonood ba sa palabas nila?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Miel Pangilinan: I am not a lesbian, nor have I claimed to be…I am queer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending