Miel Pangilinan: I am not a lesbian, nor have I claimed to be…I am queer
INALMAHAN ng anak nina Sharon Cuneta at Sen. Kiko Pangilinan ang pagtawag sa kanya ng “lesbian” sa isang artikulong lumabas matapos siyang umamin tungkol sa tunay niyang kasarian.
Nitong nagdaang June 15, proud na ibinandera ni Miel sa buong mundo ang kanyang sexual identity at kinumpirma ngang isa siyang “queer” at miyembro ng LGBTQIA+ community.
Iba’t iba ang naging reaksyon ng publiko sa pag-amin ng anak ng nag-iisang Megastar pero mas marami pa rin ang humanga sa kanyang katapangan at pagpapakatotoo.
Hindi lang ang kanyang pamilya at malalapit na kaibigan ang nagpakita at nagparamdam ng pagmamahal sa kanya kundi pati na rin ang mga celebrities na natuwa rin sa pag-come out ng dalaga.
Ngunit nitong nagdaang araw, nag-post nga si Miel sa kanyang Instagram Stories kung saan nilinaw niya na hindi raw siya lesbian tulad ng lumabas na balita sa isang website.
Ipinost ng kapatid ni Frankie Pangilinan ang artikulo na may headline na, “Anak ni Megastar na si Miel Pangilinan nag-out as lesbiyana ngayong Pride Month.”
View this post on Instagram
Aniya sa caption, “This is incorrect. I am not a lesbian, nor have I claimed to be. I stated specifically on the post that I am queer— and unless stated otherwise don’t just make assumptions that I’m a lesbian based on the fact that I came out or that I held a pride flag.
“Please inform yourselves. If I was a lesbian I would have said I was a lesbian,” paliwanag niya.
Nakiusap din siya na tanggalin na ng website ang kanilang post, “I am queer. queer ≠ lesbian. If you’re going to inform people, inform yourself first. and at least give my post a proper read-through before making a post about it.
“It’s pride month. If you’re going to make a post reporting about a person’s whole IDENTITY, I should hope that you get it right. please. there are more identities than lesbian and gay lol.
“I also don’t NEED to talk about the boundaries and extents and specifics of my attraction/identity. It’s extremely personal and the fact that it’s something I need to clarify despite the including the statement that I am queer in my post is just upsetting.
“Identity is personal and if you’re going to report on it please stick to the source lmaoo,” dagdag pang pahayag ni Miel.
https://bandera.inquirer.net/316003/kc-frankie-proud-na-proud-sa-pag-come-out-ni-miel-pangilinan-bilang-queer
https://bandera.inquirer.net/315498/raymond-gutierrez-feeling-lucky-nang-lantarang-umamin-sa-tunay-na-kasarian-it-feels-great
https://bandera.inquirer.net/291785/janno-nagkadyowa-ng-tibo-ako-ang-first-experience-niya-tapos-nabalitaan-ko-lesbian-na-ulit-siya
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.