RR inagaw si Jayjay Helterbrand, nag-sorry sa ex-GF

RR inagaw si Jayjay Helterbrand, nag-sorry sa ex-GF: Nakarma ‘ko!

Ervin Santiago - June 07, 2024 - 10:07 AM

RR inagaw si Jayjay Helterbrand, nag-sorry sa ex-GF: Nakarma 'ko!

DIRETSAHAN nang inamin ni RR Enriquez na inagaw niya ang dyowang si Jayjay Helterbrand sa ibang babaeng karelasyon noon ng basketball player.

Hindi raw siya proud sa kanyang ginawa at talagang pinagsisihan niya ito, base sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” sa kanya nitong nagdaang Miyerkules.

Ayon kay RR, may girlfriend daw si Jayjay noong makilala niya pero nagawa nga niyang mabaling sa kanya ang atensiyon nito hanggang sa magkaroon na nga sila ng relasyon.

“Si Jayjay talaga, aminado naman siya, playboy po talaga siya. Before niya akong maging girlfriend, meron siyang girlfriend talaga,” simulang kuwento ni RR kay Tito Boy.

Pero nang maging Christian siya, sinabi ni RR na napagtanto niya na mali ang kaniyang ginawa at nag-sorry sa babae.

Baka Bet Mo: RR Enriquez sa bashers: Pakialam ko sa inyo! Basta masaya ako sa ginagawa ko!

Ayon kay RR, magkaibigan na sila ngayon ng ex-girlfriend ni Jayjay, na kilala rin ni LJ Moreno, na guest din sa programa ni Tito Boy.

“So I’m not proud, hindi ako proud,” pag-amin ni RR sa ginawa niya noon.

“I apologized. Kasi siyempre bata, hindi ka nag-iisip. Naagawan din kasi ako ng dyowa dati Tito Boy. Kaya sabi ko, ‘Ah ganu’n ah, agawan pala ng jowa ang mangyayari ha.’

“Ganu’n po ang ginagawa ko dati. Hindi ako proud, pero ganu’n po ‘yung naging thinking ko,” sabi ni RR kasabay ng pagsasabing best friend na raw sila ngayon ng ex-dyowa ni JJ.

Umabot na sa 15 years ang relasyon nina RR at Jayjay pero ayon kay RR, nakarma rin siya noon dahil nag-cheat din sa kanya ang dyowa at challenging daw para sa kanila ang unang dalawang taon ng kanilang relasyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“‘Yung first two years namin medyo rocky ‘yung relationship namin. Tapos naging Christian si Jayjay. Kaya nagtagal kami ng 15 years kasi sobrang, tumino naman, hindi na siya nambababae,” sey pa ni RR.

Patuloy pa niya, “Si Jayjay sobrang happy siya na ako ‘yung girlfriend niya kasi parang ang dami ko raw personality. Exciting!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending