RR inaway lahat ng lumandi kay Jayjay: Nag-enjoy ako!

RR inaway lahat ng lumandi kay Jayjay Helterbrand: Nag-enjoy ako!

Ervin Santiago - June 09, 2024 - 08:20 AM

RR inaway lahat ng lumandi kay Jayjay Helterbrand: Nag-enjoy ako!

Jayjay Helterbrand at RR Enriquez

MARAMING naloka sa naging rebelasyon ng aktres at social media personality na si RR Enriquez tungkol sa relasyon nila ng basketball player na si Jayjay Helterbrand.

Inamin ni RR na hindi siya selosang tao pero talagang inaaway niya ang mga babaeng lumalandi at nakikipag-flirt sa kanyang asawang cager.

Baka Bet Mo: RR Enriquez sa bashers: Pakialam ko sa inyo! Basta masaya ako sa ginagawa ko!

Ayon pa kay RR, talaga raw playboy noon ang kanyang mister at kasabay ng rebelasyong inagaw niya ang basketball player sa dati nitong girlfriend.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” sinabi ng aktres na  nagsimula ang relasyon nila ni Jayjay kahit may dyowa pa ito noon.

“Kasi si Jayjay, talaga aminado naman siya playboy po talaga siya. Before niya ako naging girlfriend mayroon po siyang girlfriend po talaga. So we were a thing,” sey ni RR.

At kahit daw magkarelasyon na sila ay may pagkakataon pa ring nag-cheat si Jayjay kaya nasabi ni RR na iyon na raw ang kanyang karma sa pang-aahas na ginawa niya.

Pero bilang palaban at wala ring inuurungan, hindi pinalampas ni RR  ang mga babaeng nagme-message at nagpaparamdam kay Jayjay.

Baka Bet Mo: Paano nga ba nag-umpisa ang pagiging ‘sawsawera’ ni RR Enriquez?

“Marami akong na-message na mga babae. Talagang inaaway ko parang nag-e-enjoy ako. Ha-hahaha!” aniya.

Pero napakalaki raw ng naging pagbabago sa ugali at pananaw sa buhay ng kanyang asawa nang mapalapit ito sa Diyos.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rr Enriquez (@rr.enriquez)


“‘Yung first two years namin Tito Boy medyo rocky ‘yung relationship namin. Tapos naging Christian si Jayjay. Kaya nagtagal kami ng 15 years kasi sobrang tumino naman. Hindi nangbababae,” pagbabahagi ni RR.

“Ako naman ‘yung parang naghahanap ng kaaway!” ang natatawa pang hirit ng socmed personality.

Marami rin daw ang nagbago sa kanya nang maging Kristiyano siya at ito rin daw ang naging daan para maisip niyang humingi ng sorry sa dating girlfriend ni Jayjay.

In fact, okay na okay at friends na sila ngayon ng ex ni Jayjay, “Yes, I apologize kasi siyempre bata, ‘di ba parang bata hindi ka nag-iisip.

“Naagawan kasi ako ng jowa dati Tito Boy. Kaya sabi ko, ‘Ah ganoon, ah? Agawan pala ng jowa ang mangyayari, ah.’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“So ganoon po ginagawa ko dati. Hindi ako proud pero ganoon po ‘yung ano thinking ko” rebelasyon pa ni RR.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending