RR Enriquez pinilit maging bading ang kapatid, pero nang lumaki pinag-attend ng Bible study at sinuhulan para magpakalalaki | Bandera

RR Enriquez pinilit maging bading ang kapatid, pero nang lumaki pinag-attend ng Bible study at sinuhulan para magpakalalaki

Reggee Bonoan |September 18,2023
facebook
share this

RR Enriquez pinilit maging bading ang kapatid, pero nang lumaki pinag-attend ng Bible study at sinuhulan para magpakalalaki

Reggee Bonoan - September 18, 2023 - 06:31 PM

RR Enriquez pinilit maging bading ang kapatid, pero nang lumaki pinag-attend ng Bible study at sinuhulan para magpakalalaki

RR Enriquez

HINDI lang basta nakialam ang Sawsawera Queen na si RR Enriquez sa isyu ng mag-inang Izzy Trazona at Andrei Aragon, nagbigay din siya ng payo sa mga ito.

Nakaka-relate raw kasi ang dating “Wowowin” dancer sa kontrobersyang kinasasangkutan ng mag-ina dahil may kapatid ding gay si RR. Siya raw ang dahilan kung bakit naging ganu’n ang kapatid niya na later on ay pinagsisihan niya.

Ni-repost ni RR ang post ni Izzy sa kanyang Facebook account kung saan sinabi ng dating Sexbomb Girl nami-miss na niya ang anak na isa na ngayong drag queen pero hindi niya tanggap.

Ang caption ni RR, “I have a transgender sibling. Sobrang favorite ko ang mga gay, because my best friend when I was in high school was a gay. That’s why when my brother was born, I forcedly made him a gay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Totoo yan, baby pa lang s’ya tin-treat ko na s’ya na babae. Minimake-apan, dinadamitan ng pambabae at pinapa-split. Pinalaki ko s’ya as a Sexbomb dancer Basta gusto ko talaga na gay s’ya. And true enough naging trans nga s’ya.

“But as you age and mature you will feel guilty na bakit mo ‘yun ginawa sa kanya? May mga moment na na-guilty talaga ako kaya pinu-force ko naman s’ya na maging lalaki back in 2012 (‘yan ‘yung bago ako as a Christian).

“Umabot kami sa nag-aaway na kami kasi nga ayaw ko na s’ya maging gay. I was desperate and tried to bribe him pa to attend a bible study every week in exchange of shopping ng mga shoes,” ani RR.

Baka Bet Mo: Michael V tinamaan uli ng COVID-19: Kahit bad trip ako sa ‘yo, hinding-hindi kita makakalimutan

Hanggang sa kinausap daw siya ng masinsinan ng kapatid, “But when he talked to me and say how hurt he was and how painful it is for him to be judged and forced to attend bible study, para hindi maging gay… NATAUHAN ako.

“I prayed and asked God na bigyan nya ako ng compassion to my bro-sis just how God showed mercy and compassion to me.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“After that prayer, I feel relieved! I supported him sa mga gusto n’ya. May mga moment nga sasabihin ko na dapat maging sexy transgender star sya. Mag post sya sa Instagram ng naka-thong, naka-lingerie or magpa-nip slip s’ya.

“Kaso s’ya naman ang pabebe, ayaw. Gusto n’ya medyo conservative trans daw sya. Eh gusto ko sya i-package as sexy starlet.  Sabi ko nga mag join sya ng OF fans, So, ayan na pinag tatalunan namin. Gusto ko pokpokita image s’ya, ayaw naman nya,” sabi ni RR.

Dagdag pa niya, “But seriously, my advice is let them do whatever they want to do. Let them fly with their own wings. Hinayaan din ako ng parents ko na lumipad at mag desisyon para sa buhay ko… Tama or mali one day our mess will become a message to inspire everyone

“He’s still young and maybe wants to experience or experiment life. Let him. Make a stand for what you believe but always choose compassion and love. Correct him with love. Guide him with Love.

“Hindi tayo ang makakapag-pabago sa kanila. Si God lang talaga. Our job is to pray for them and guide them with love and compassion. You can plant a seed and God will be the one to water it,” pahayag pa ni RR.

Marian ibinuking na mas madalas ‘mangalabit’ si Dingdong pag may ‘pangangailangan’; DongYan handa na sa baby No. 3

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Cristy Fermin pinabulaanan ang kumakalat na chika ukol sa ‘paninigarilyo’ ni Kathryn Bernardo: Never po, never!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending