RR Enriquez hindi kering magka-baby: Kung may magpapa-adopt basta cute at hindi tyanak baka i-consider ko pa
NAIRITA na ang binansagang “Sawsawera Queen” na si RR Enriquez sa mga taong nagtatanong sa kanya kung bakit hindi pa nagkakaanak.
Sa Instagram, ibinandera ni RR ang screenshot ng nagtatanong na netizen kalakip ang napakahabang caption na ipinapaliwanag ng dating aktres ang ilan sa mga dahilan kung bakit wala pa siyang anak.
Tanong ng netizen, “Ms. RR bakit wala pa kayong anak?”
Sagot naman ni RR, naranasan na niya ang mag-alaga ng baby ngunit hindi niya raw kayang tiisin ang ingay nito lalo na kapag umiiyak.
“Seriously….. I just couldn’t stand their noise when they’re crying [weary face emoji] Na-experience ko yan sa mga kapatid ko [hot face emoji] Especially if colic baby. Kaya ang galing ng ibang Moms na kinaya yan,” sey niya sa caption.
Bukod sa ingay, inisa-isa pa niya kung bakit ayaw niya ng baby at isa na nga raw diyan ay ang magpupuyat at panganganak.
Lahad niya, “Those sleepless nights because need mo magpa dede ng baby. Carrying the baby for 9 months, delivering the baby whether normal or CS then yung magpapa-breastfeed ka pa.. Thinking all of those hindi ko talaga kaya.”
View this post on Instagram
Nilinaw pa niya na sariling opinyon lamang niya ang kanyang inilahad at sa tingin niya ay hindi talaga para sa kanya ang magkaroon ng anak.
Gayunpaman ay lubos niyang hinahangaan ang mga ina na nakakayanan ang lahat ng mga paghihirap para sa kanilang anak.
Saad niya sa post, “But don’t get me wrong! I admire Mom’s na kinaya yan. But having kids is not for me.”
Maswerte na rin daw siya dahil nagkaroon siya ng asawa na nirerespeto ang kanyang desisyon.
Aniya, “And I’m blessed to have a partner who respects my decisions for not having a kid [red heart emoji].
Nakiusap pa siya sa publiko na makiramdam sa mga ganitong klaseng tanong dahil may iilan daw na kababaihan na tila sensitibo sa mga ganitong klaseng topics.
“Please be more sensitive to asking that question as if having kids should be a woman’s aspiration [hot face emoji],” post niya sa IG.
Patuloy pa niya, “Isa pa.. Some women wants to get pregnant and hindi sila makabuo.”
“So if you ask them these kinds of questions minsan offensive sa kanila ‘yan coz you don’t know what they’re going through. Nakakadagdag lang kayo ng depression sa iba,” aniya.
Inamin din ng Sawsawera Queen na naiirita na siya dahil paulit-ulit siyang tinatanong about sa pagkakaroon ng anak.
Nilinaw niya rin na hindi siya naiinggit kailanman sa mga mayroong anak.
Sey niya, “Juskolord trust me I don’t envy those Mom’s na may kids… Natutuwa ako seeing them kasi dream nila yun specially sa mga friends ko. But you have to remember na hindi para sa lahat yan.”
“Basta to be honest happy ako sa dog ko na super behave hindi iyakin,” dagdag niya.
Libo-libong netizens naman ang sumang-ayon sa sinabi ni RR at narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section.
“Ako nga hirap magkaanak dahil sa pcos tapos daming nagtatanong kung kelan Ako magkakaanak? Asawa ko nga hindi ako pini-pressure na mag buntis…Tapos ibang tao pa talaga Ang mga atat!”
“SAMEEEEEE TAYO AS IN. Hindi ko ma-imagine sarili ko na may anak like that parang ’di ko kakayanin maging ina ganun.”
“This! ‘di naman kawalan sa babae na walang anak, sana lang ma-realize ng iba na hindi naman anak ang main goal ng mag-partner.”
Related chika:
Ogie Alcasid nagpositibo sa COVID-19 kaya absent sa ASAP: Inabot din…let’s do this Lord!
Paalala ni Maxene sa mga ‘Marites’: Gamitin ang energy sa pagdarasal kesa magtsismisan
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.