Ai Ai: Salamat Lord! Mababait ang mga anak ko, asawa ko mabait din, nanay ko 93 na pero walang sakit | Bandera

Ai Ai: Salamat Lord! Mababait ang mga anak ko, asawa ko mabait din, nanay ko 93 na pero walang sakit

Ervin Santiago |January 01,2022
facebook
share this

Ai Ai: Salamat Lord! Mababait ang mga anak ko, asawa ko mabait din, nanay ko 93 na pero walang sakit

Ervin Santiago - January 01, 2022 - 10:42 AM

Nicolo, Sophia at Ai Ai delas Alas

FEELING ng Comedy Concert Queen na si Ai Ai delas Alas, binabagyo siya ngayon ng blessings mula kay Lord kaya naman abot-langit ang pasasalamat niya bago mamaalam ang 2021.

Sa Amerika na muna maninirahan ang Kapuso comedienne kasama ang asawang si Gerald Sibayan para mag-focus muna sa kanyang US citizenship para eventually ay maipetisyon na ang kanyang husband.

Ayon kay Ai Ai, napakaraming magaganda at positibong nangyari sa kanya noong nakaraang taon kaya naman super thankful siya sa Panginoon dahil sa kabila ng mga pagsubok ng buhay ay nananatili pa rin siyang matatag at matapang.

Isa sa mga itinuturing na blessing ng komedyana ay ang pagsasama-sama nila uli ng mga anak. Bukod kay Nicolo, makakasama na rin niya sa Amerika ang unica hija niyang si Sophia.

Sa kanyang Instagram post kamakailan, makikita ang pagba-bonding nila ng dalawang anak. Aniya sa caption, “Welcome home baby girl (Sophia). Masaya and emotional ako kasi naalala ko mga baby pa kayo nu’ng dinala ko kayo rito sa US. 

“Tapos ngayon dito na kayo titira ulit, and magkasama na kayo ng kapatid mo. God is good all the time,” mensahe pa ni Ai Ai.

Aniya pa, “Thank you sa aking pangalawang baby boy (Nicolo) pinag-grocery n’ya si budang, napaka-sweet. 

“Salamat Lord, mababait ang anak ko, asawa ko mabait din, nanay ko 93 na pero walang sakit. Sobrang buhos ng mga blessing mo sa amin. Love you mga anak!” pahayag pa ng Kapuso star.

View this post on Instagram

A post shared by AIAI DELAS ALAS (@msaiaidelasalas)


Kung matatandaan, noong Dec. 4 dumating sa Virginia, USA ang mag-asawang Ai Ai at Gerald kung saan sila naninirahan ngayon. Last Dec. 12, ipinagdiwang naman ng mag-asawa ang kanilang 4th wedding anniversary.

Sa isang panayam kay Ai Ai, hindi naman talaga sila maninirahan ni Gerald sa Amerika forever, “Although, babalik naman ako dito, kasi yung nanay ko matanda na, so bibisitahin ko.

“Sa totoo lang, ngayon pa lang ako magiging may asawa, na ang priority ko si Gerald. Bukod sa ipe-petition ko siya, kailangan niya din ng kasama du’n sa Amerika.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Saka kasi, ngayon lang din ako magpu-full blast ng green card ko. 2015 pa kasi yung green card ko,” paliwanag ng komedyana.

Ai Ai, Gerald tuloy na ang pagtira sa US; balak ding magbuntis sa pamamagitan ng surrogacy

Ate Vi, Ai Ai ‘pinatay’ sa socmed, Comedy Queen rumesbak: Mga sira-ulo, mangmang, inutil!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending