Anak nina Ellen at John Lloyd future vlogger, netizens shookt: ‘Wow! Nakakaintindi pala ng Tagalog, English at Bisaya’ | Bandera

Anak nina Ellen at John Lloyd future vlogger, netizens shookt: ‘Wow! Nakakaintindi pala ng Tagalog, English at Bisaya’

Pauline del Rosario - February 27, 2023 - 05:36 PM

Anak nina Ellen at John Lloyd future vlogger, netizens shookt: ‘Wow! Nakakaintindi pala ng Tagalog, English at Bisaya’

PHOTO: Instagram/@maria.elena.adarna

SA murang edad pa lang, tila alam na alam na ng anak nina Ellen Adarna at John Lloyd Cruz na si Elias ang kanyang gusto paglaki.

At ‘yan ay maging isang YouTube vlogger!

Sa Instagram, ibinadera ni Ellen ang video ng kanyang 4-year-old baby na ipinapakita ang iba’t-ibang klase ng toy gun at isa-isa pa itong ipinapaliwanag.

Kahit si Ellen ay parang nagulat nang mapanood ang recorded video sa kanyang iPad.

Sabi pa ng aktres, gustong magkaroon ng sariling YouTube channel ang kanyang anak at mismong si Elias ang nagsabi sa kanya na i-upload ang nasabing video.

“One of his videos I found on my iPad,” caption ni Ellen.

Dagdag pa niya, “He wants his own youtube channel [laughing emoji] FYI – he told me to post this.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ellen Adarna Ramsay (@maria.elena.adarna)

Maraming netizens naman ang nagulat lalo na’t nakakaintindi pala si Elias ng salitang Tagalog, English at Bisaya.

Narito ang ilan sa mga nabasa naming komento:

“Wow!! he understands tagalog bisaya and english [smiling face with hearts emoji]”

“This kid is such a cutie. He deserves his own YT channel where he can express himself starting of by sharing his thoughts about the toys that you’re giving him.”

“He has a good future career [red heart emojis] Love the way Elias talks. You can see he’s a smart boy.”

Matatandaang taong 2020 nang kinumpirma ni Ellen na hiwalay na sila ni John Lloyd.

Related chika:

Celeste Cortesi kinakarir ang pag-aaral ng Tagalog; may plano pa bang sumali uli sa beauty pageant?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Barong Tagalog ni Robin para sa 19th Congress at Sona 2022 binili sa isang mall; OOTD ni Imee may ‘ipinaglalaban’

Herlene Budol naiyak nang mag-apply sa Bb. Pilipinas: Hindi ko pipilitin ang mag-Ingles, Filipino po ang gagamitin ko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending