Herlene Budol naiyak nang mag-apply sa Bb. Pilipinas: Hindi ko pipilitin ang mag-Ingles, Filipino po ang gagamitin ko | Bandera

Herlene Budol naiyak nang mag-apply sa Bb. Pilipinas: Hindi ko pipilitin ang mag-Ingles, Filipino po ang gagamitin ko

Ervin Santiago |April 13,2022
facebook
share this

Herlene Budol naiyak nang mag-apply sa Bb. Pilipinas: Hindi ko pipilitin ang mag-Ingles, Filipino po ang gagamitin ko

Ervin Santiago - April 13, 2022 - 07:42 AM

Herlene Budol

ASAHAN nang Tagalog o Wikang Filipino ang gagamitin ni Herlene Budol o mas kilala bilang Hipon Girl sa pagrampa niya bilang kandidata sa Binibining Pilipinas 2022.

Ayon kay Herlene, aminado naman siya na mahina siya sa English pero tina-try naman daw niyang matuto at kasama ito sa mga pinagdaraanan niyang training ngayon para sa katuparan ng kanyang dream na maging beauty queen.

Nitong nagdaang Lunes, April 11, nag-post ang dalaga sa kanyang Instagram ng screenshot ng isang headline ng ABS-CBN news kung saan nakasulat ang sinabi niya noong mag-apply siya sa Binibining Pilipinas 2022 na, “Naiyak ako kasi hindi ko naintindihan yung English nila.”

Kinumpirma ito ng TV host-comedienne sa nasabing post at ipinagdiinang hindi niya ikinahihiyang aminin na isa talaga sa weakness niya ang pagsasalita ng English.

“Nabasa ko lang po eto sa isang pageant group. Opo, hindi ko po eto ikahihiya naiyak ako dahil sa English.

“But it doesn’t mean hanggang diyan na lang si Hipon Girl n’yo. Hindi ko pipilitin ang mag-Ingles. Wikang Filipino po ang gagamitin ko,” pahayag pa ni Herlene.

Pinasalamatan din niya ang kanyang fans at social media followers na nagsasabing kering-keri niya ang makakuha ng titulo at korona sa Binibining Pilipinas pageant.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Herlene Nicole Budol (@herlene_budol)


“This will inspire me to pursue my dreams. Hanggat may buhay may pag-asa! magkalat man ako o hindi may Hipon mag tatak sa entablado!

“Sobra akong na-touch sa mga magagandang comment n’yo sa akin. Ngayon palang gusto ko magpasalamat sa buong Hiponatics, KaBudol, KaSquammy, KaFreshness, Kainutz sa suporta n’yo sa akin. Taas noo kong isisigaw Herlene Nicole Budol, 22, from Angono Rizal, Felepens!!” chika pa ni Hipon Girl.

Sa nauna niyang post, nagpahayag din ng katuwaan ang dating co-host ni Willie Revillame sa “Wowowin” nang makita niya ang mga memes na ipinost ng mga netizens tungkol sa pagsali niya sa Binibining Pilipinas.

Comment niya sa isang ni-repost na meme gamit ang kanyang two-piece bikini photo, “Bhe, natawa ako sa memes nito. kht Squammy lang ako. pero eto po yung mag pa pa-motivate sa akin. at pag sisikapan ko para maging confidently beautiful with a heart si Hipon girl.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Herlene Budol hindi kumita sa mga naunang vlogs: Nakakalungkot lang isipin kasi kahit kani-kanino ako nagtiwala

Basher walang awang nilait at minaliit si Herlene Budol: Maganda ka sana kaya lang bobita ka!

Herlene Budol bawal pang makipag-kissing scene: Hindi pa ako masyadong marunong mag-toothbrush!

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending