Barong Tagalog ni Robin para sa 19th Congress at Sona 2022 binili sa isang mall; OOTD ni Imee may ‘ipinaglalaban’
IBINANDERA ni Sen. Robin Padilla sa madlang pipol na ang suot niyang Barong Tagalog para sa unang sesyon ng 19th Congress ay binili lamang niya sa isang kilalang shopping mall.
Ibig sabihin, hindi na nag-effort pa ang aktor-politiko na nag-number one sa senatorial race noong May 9 elections para magpatahi ng isusuot para sa unang regular session ng 19th Congress sa Batasang Pambansa sa Quezon City.
Inirampa nga ng dating action star ang nabiling Barong Tagalog at sinabi nga sa mga reporter na sa isang clothing store sa SM niya ito nabili.
View this post on Instagram
Samantala, agaw-pansin din ang OOTD ni Sen. Imee Marcos nang dumating sa Senate session na inspired mula sa mga kababayan nating magsasaka at sa kalagayan ng agrikultura sa bansa.
Ito’y gawa ng Davao designer na si Edgar Buyan na ang ibig sabihin ay, “Nagbabayo sa bukid — dahil binabayong totoo ang magsasaka at buong bukid. Tigilan ang pagbayo, pansasamantala, at sadyang pagpapahirap ng mga nagpapakain sa ating pamilya.”
Gawa naman ang Filipiniana ni Sen. Risa Hontiveros sa piña fabric habang ang black-and-white OOTD naman ni Sen. Grace Poe ay nilikha rin ng isang local designer.
Ayon pa sa senadora, tinernuhan niya ang kanyang suot ng hikaw na pag-aari ng yumao niyang ina, ang “Queen of Philippine Movies” na si Susan Roces.
Mula naman sa isang Cebu-based designer ang suot na maroon and green OOTD ni Sen. Pia Cayetano.
Sa mga hindi pa masyadong aware sa mga kaganapan ngayon sa Senado, itinalaga na bilang bagong Senate President si Sen. Juan Miguel Zubiri mula sa nominasyon nina Sen. Joel Villanueva, Sen. Loren Legarda, Sen. Jinggoy Estrada, Sen. Grace Poe, Sen. Ronald dela Rosa at Sen. JV Ejercito.
Pagkatapos ng first session ng 19th Congress sa Batasang Pambansa ay susunod naman ang kauna-unahang State of the Nation Address (Sona) ni Pangulong Bongbong Marcos.
Dito inaasahang iisa-iisahin ng Pangulo ang kanyang magiging plano para sa Pilipinas sa susunod na 12 buwan.
https://bandera.inquirer.net/319660/sosyaling-ootd-ni-heart-agaw-eksena-sa-pagbubukas-ng-19th-congress
https://bandera.inquirer.net/292336/pacquiao-sa-mahigit-p2-m-ootd-ni-jinkee-mukhang-mamahalin-lang-ang-asawa-ko-pero
https://bandera.inquirer.net/307710/misis-ni-gloc-9-ibinuking-ang-presyo-ng-suot-nila-sa-kasal-yung-wedding-gown-ko-p1500-yung-barong-niya-p2500
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.