Ai Ai delas Alas naimbyerna nang 'gamitin' sa isang ad, pinalabas na na-stroke: Matakot kayo sa karma! | Bandera

Ai Ai delas Alas naimbyerna nang ‘gamitin’ sa isang ad, pinalabas na na-stroke: Matakot kayo sa karma!

Therese Arceo |October 27,2023
facebook
share this

Ai Ai delas Alas naimbyerna nang ‘gamitin’ sa isang ad, pinalabas na na-stroke: Matakot kayo sa karma!

Therese Arceo - October 27, 2023 - 01:10 PM

Ai Ai delas Alas naimbyerna nang 'gamitin' sa isang ad, pinalabas na na-stroke: Matakot kayo sa karma!

HINDI mapigilan ng Kapuso Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas ang mainis nang makarating sa kanya ang balitang ginagamit siya sa ad ng isang health and wellness product nang walang pahintulot.

Bukod pa sa hindi na nga humingi ng pahintulot ang nagbebenta ng naturang produkto ay pinalabas pa na na-stroke siya at naging maayos dahil sa produkto dahil ang claim nito ay nakapagpapagaling daw ito ng malalang sakit.

Makikita rin sa larawan na nakaratay si Ai Ai da isang hospital ned na may mga tubo sa bibig at may benda rin sa ulo.

Paglilinaw ng komedyana, walang katotohanan na na-stroke siya at nakuha ang naturang larawan mula sa isang eksena sa kanyang Kapuso teleserye na “Raising Mamay.”

“Ginagawan n’yo ako ng sakit. Walang hiya, ginamit n’yo pa ang picture ko doon sa teleserye namin, ’yung Raising Mamay na may sakit ako sa ospital,” saad ni Ai Ai sa kaniyang Facebook video na uploaded noong Oktubre 25.

Baka Bet Mo: Ai Ai delas Alas enjoy na enjoy sa pag-aalaga ng mga senior sa isang facility sa US: ‘Nagtatrabaho ako bilang activity director’

Dagdag pa niya, “Mga walang hiya kayo. Iyon pa ’yong talagang ginamit n’yo para makapagbenta kayo ng tinitinda n’yong produkto? Sinasabi n’yo pa na na-stroke ako? Mga p*nyeta kayo!”

Chika pa ni Ai Ai, pinapanatili raw niyang maging malusog at malakas kahit na mahirap ang mag-ehersisyo pagkatapos ay ibabandera sa publiko na na-stroke siya.

Sinabi rin ng Kapuso star na huwag tangkilikin ang naturang brand at produkto.

Sey pa ni Ai Ai sa caption ng kanyang video, “Dun sa mga nag aalala saken hindi po ako na stroke or may sakit wag kayong naniniwala sa mga nakikita nyo sa feed .. At kayong mga scammer na nag bebenta nyan tigilan nyo na yang panggamit ng picture ko sa Raising Mamay … atsaka yung picture ko sa endorsement ko na coffee mga shutang inames ninyo ginamit nyo na lahat walanghiya binigyan nyo pa ako ng sakit.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Matakot kayo sa karma.. at sa CCTV ni LORD .. nakupo nakakatakot ang karma pag bumalik sa inyo yan goodluck… Alam nyo ba kaya ako nag post ng exercise at mga dancing dito para inspirasyon sa mga kagaya kong nanay na minsan nawawlan na sila ng pag asa pumayat at maging healthy..mahirap mag papayat mahirap mag exercise pero kailngan para healthy ang pangangatawan naten … tapos kayo kung ano ano pinopost nyo kakagigil kayoiooo.”

Related Chika:
Ai-Ai delas Alas may babala laban sa isang psoriasis treatment ad: Hindi ako gumagamit ‘nun…

Ai Ai delas Alas, Gerald Sibayan bigong makabuo ng baby sa pamamagitan ng IVF, napaiyak sa presscon ng ‘Litrato’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending