Ai Ai delas Alas kay Betong Sumaya: Isa ka sa mababait na artist na nakilala ko
BUO ang suporta ni Kapuso comedy queen na si Ai Ai delas Alas sa kaibigang si Betong Sumaya.
Kasalukuyan kasing nakakatanggap ng batikos mula sa mga loyal fans ng TVJ ang Kapuso comedian matapos itong mapabilang sa mga bagong host ng “Eat Bulaga”.
At bilang pagpapaabot ng pagmamahal at suporta sa kaibigan ay proud na ibinadera ni Ai Ai ang larawan nila ni Betong kalakip ang kanyang mensahe para rito.
“Nakita kita sa tiktok malungkot ka, mahirap talaga yang sitwasyon nyo ngayun, bilang manggagawa alam ko sumusunod ka lang.
“Syempre, mabait kang tao, ma respeto sa senior sa yo.. isa ka sa mabait na artist na nakilala ko,” mensahe ni Ai Ai sa kaibigan.
View this post on Instagram
Baka Bet Mo: JoWaPao ng Dabarkads tatapatan ng ‘BuLoTong’ nina Buboy, Paolo at Betong sa bagong ‘Eat Bulaga’
Pagpapatuloy pa niya, “Dasal lang at tibayan mo ang loob mo.”
Ipinaalala rin ni Ai Ai kay Betong na sa tuwing nalulungkot ito ay isipin na lang anf moments nila together.
“[Ka]pag nalulungkot ka isipin mo na lang ilang beses ba naten kakantahin ang in New York Rio Tokyo –‘or any other place you see, you feel that dancing fantasy’ na hindi tayo nag kakamali sa phrasing haha,” sey niya.
Paalala naman ni Ai Ai, “God bless you ipag patuloy mo lang na maging mabait si Lord ang bahala.”
Super appreciated naman ni Betong ang mensahe sa kanya ng Kapuso comedy queen.
“Sobra naman akong natouch sa post nyo. Ty ty po sa encouragement at support nyo. Natawa tuloy ako sa ‘New York, Rio , Tokyo’ natin. Miss u and hope to work with you again para makanta na natin ng maayos at tama ang song na yan. Lab yu Ms Ai and may GOD bless you always,” pagpapasalamat ni Betong kay Ai Ai.
Related Chika:
Betong Sumaya biglang hinarang ng security guard sa GMA 7: Akala niya siguro utility man ako
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.