Ai Ai delas Alas enjoy na enjoy sa pag-aalaga ng mga senior sa isang facility sa US: ‘Nagtatrabaho ako bilang activity director’
IBINANDERA ng Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas sa publiko ang kanyang trabaho sa sa isang elderly facility sa San Francisco, California, USA.
Activity director ang Kapuso TV host-actress sa nasabing health care facility na nangangalaga sa matatandang residente mula sa iba’t ibang lugar sa Amerika.
Pabalik-balik lamang ang komedyana sa US at Pilipinas pero mukhang sa Amerika muna siya mas mapapadalas ngayon kasama ang asawang si Gerald Sibayan na doon na rin ngayon nagtatrabaho.
View this post on Instagram
Bukod sa trabaho ni Ai Ai sa naturang elderly facility, rumaraket din siya sa Amerika tuwing weekends bilang performer.
Ipinakita ng komedyana sa live virtual interview sa kanya ng “Unang Hirit” kahapon, July 11, ang lugar na kanyang pinagtatrabahuan pati na ang ilang caregiver at nursery na katrabaho niya roon.
“Ito, kapag yung every day na buhay ko, pumapasok ako as activity director. Pero pag kunwari Saturday and Sunday, may mga shows din ako, may mga upcoming shows ako and concert[s]. So, ganun ang buhay ko,” kuwento ng Kapuso star.
Baka Bet Mo: Ai Ai: Salamat Lord! Mababait ang mga anak ko, asawa ko mabait din, nanay ko 93 na pero walang sakit
Paliwanag ni Ai Ai sa trabaho niya roon bilang isang activity director, siya raw ang nagpaplano at gumagawa ng mga activity para sa mga inaalagaan nila sa nasabing pasilidad.
View this post on Instagram
“Ikaw yung mag-iisip du’n sa mga residente kung ano yung gagawin nila na magiging masaya sila, like magbi-bingo sila. Meron ding mga kompyu-computer, kasi may point click, may care plan,” aniya.
“Nag-e-enjoy talaga ako. Siyempre, alam mo, iba yung fulfillment ng naglilingkod ka sa ating mga elders,” sabi pa ni Ai Ai.
Samantala, isa ring dakilang wifey si Ai Ai dahil pagdating naman sa bahay nila ni Gerald ay ang paglilinis at paglalaba ang inaatupag niya.
Pagkawasak ng friendship nina Kris at Ai Ai dahil nga ba kay James Yap?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.