Pagkawasak ng friendship nina Kris at Ai Ai dahil nga ba kay James Yap? | Bandera

Pagkawasak ng friendship nina Kris at Ai Ai dahil nga ba kay James Yap?

Ervin Santiago |March 24,2022
facebook
share this

Pagkawasak ng friendship nina Kris at Ai Ai dahil nga ba kay James Yap?

Ervin Santiago - March 24, 2022 - 02:11 PM

James Yap, Ai Ai delas Alas at Kris Aquino

James Yap, Ai Ai delas Alas at Kris Aquino

KNOWS n’yo ba kung ano talaga ang naging dahilan ng pag-aaway noon ng dating “mag-friendship” na sina Kris Aquino at Ai Ai delas Alas?

Muling nabuhay ang kontrobersyal na isyu sa pagitan ng Queen of All Media at Comedy Concert Queen nang magbigay ng update ang mommy nina Joshua at Bimby tungkol sa kanyang karamdaman.

Nagbigay kasi ng reaksyon ang Kapuso comedienne sa tanong ng isang netizen kung ano ang masasabi niya sa pagkakaroon ng malubhang sakit ni Kris.

Mismong ang TV host na ang nagsabi na mas lalo pa raw lumubha ang kanyang sakit nitong mga nakaraang linggo kaya kailangan na niyang magpagamot sa ibang bansa kung saan mas matututukan at mahahanalan ng kaukulang treatment ang kanyang kundisyon.

Sabi ni Ai Ai, hiling niya ang agarang paggaling ng dating BFF at ipagdarasal din daw niya ang health condition ng TV host.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kristina Bernadette Cojuangco Aquino (@krisaquino)


At dahil nga rito, maraming “Marites” ang nagtatanong kung ano nga ba ang pinag-ugatan ng away nina Kris at Ai Ai.

Sa isang vlog ni Nanay Cristy Fermin na mapapanood sa YouTube channel niyang “Showbiz Now Na”, nagbigay siya ng pahayag tungkol sa totoong dahilan ng pag-aaway ng dating magkaibigan.

Ayon sa premyadong TV and radio host, ang basketball player na si James Yap ang dahilan kung bakit nawasak ang magandang samahan nina Kris at Ai Ai.

“Noong mga panahon na nagkakaroon ng problema si James Yap at saka si Kris Aquino, ang tinatawagan palagi ni Kris, si Ai Ai,” pambubuking ni Nanay Cristy.

Ang isa raw sa mga advice ni Ai Ai kay Kris ay “isauli” na lang si James sa nanay nito kung talagang hindi na siya maligaya sa piling ng basketball player.

View this post on Instagram

A post shared by James Carlos Yap (@jamesyap18)


At ang twist daw ng kuwento, feeling ng komedyana ay “nilaglag” siya ni Kris nang magkaayos na ang TV host at si James. Ibinuking daw kasi ni Tetay sa asawa ang ipinayo sa kanya ni Ai Ai noong kasagsagan ng away nila.

“Sinabi niya iyon, ni Kris, noong magbati na sila ni James Yap na, ‘You know what, si Ai Ai, she told me na ibalik na lang kita sa nanay mo,’” ang pahayag pa ni Nanay Cristy.

Kasunod nito, nagalit daw si James dahil sa payo ni Ai Ai kaya kinausap niya ito sa pakikialam sa pagsasama nila ni Kris. At dahil nga rito, kaya nagkasumbatan umano ang magkaibigan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nagsimulang maging close sina Kris at Ai Ai nang magkasama bilang mga hurado sa Kapamilya reality talent show na “Pilipinas Got Talent.”

Ai Ai sa pagiging single mom noon: Isa ‘yun sa pinakamahirap na moment sa buhay ko!

Ai Ai delas Alas itinanggi ang pagsuporta kay VP Leni: Utang na loob, nananahimik ako

Kahit hindi na magkaibigan…Ai Ai hiling pa rin ang paggaling ni Kris: God bless her

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending