Ai Ai delas Alas may trabaho na sa US, activity director na sa isang facility for the elderly: Pagagandahin mo ang buhay nila | Bandera

Ai Ai delas Alas may trabaho na sa US, activity director na sa isang facility for the elderly: Pagagandahin mo ang buhay nila

Ervin Santiago |August 31,2022
facebook
share this

Ai Ai delas Alas may trabaho na sa US, activity director na sa isang facility for the elderly: Pagagandahin mo ang buhay nila

Ervin Santiago - August 31, 2022 - 08:09 AM

Ai Ai delas Alas at Gerald Sibayan

ONE week lang palang nag-stay dito sa Pilipinas ang Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas at pagkatapos ay bumalik na rin agad sa Amerika.

Pumirma uli ng bagong kontrata ang komedyana sa GMA 7 para sa ilang bagong proyektong gagawin niya sa network sa mga susunod na buwan.

Isang linggo nga lang siyang nanatili sa bansa at lumipad na rin kamakailan patungong San Francisco, California, kung saan sila nakatira ngayon ng kanyang asawang si Gerald Sibayan.

Ibinalita ng Kapuso star na may isa pa kasi siyang trabaho na kailangang balikan at asikasuhin sa Amerika kaya agad siyang umalis ng Pilipinas.

“Praise God ako po ay isang Kapuso pa rin. Ako po ay ni-renew ng GMA as artista,” ang pahayag ni Ai Ai sa panayam ng “24 Oras” nitong nagdaang Lunes.

Dito nga ibinahagi ni Ai Ai na nagtatrabaho na rin siya sa Amerika bilang activity director sa isang facility for the elderly.

Kuwento ng komedyana tungkol sa bago niyang work sa US, “As an activity director ikaw yung magpapaganda ng buhay ng mga residente sa mga facility, yung kanilang way of life, yung mga activities na ibibigay mo sa kanila will make them happy.”

View this post on Instagram

A post shared by AIAI DELAS ALAS (@msaiaidelasalas)


“Dumating sa akin, ibinigay sa akin ‘yung work kasi ’yung friend ko doon nagtatrabaho pero sa may-ari siya, parang asi-assistant siya nu’ng may-ari, consultant nu’ng facility. Yung friend na ’yun ang nagbigay sa akin ng work na ’yun,” sabi naman ni Ai Ai sa hiwalay na panayam.

Samantala, makakasama rin si Ai Ai sa bonggang show ng GMA Pinoy TV sa US sa darating na September 24 at 25 sa California.

Makakasama niya rito sina Dingdong Dantes, Bea Alonzo, Lani Misalucha, Julie Anne San Jose at Rayver Cruz.

Ai Ai, Gerald tuloy na ang pagtira sa US; balak ding magbuntis sa pamamagitan ng surrogacy

Pagkawasak ng friendship nina Kris at Ai Ai dahil nga ba kay James Yap?

Lolit Solis sa pagsuporta ni Ai Ai kay Bongbong: Dapat ipinagmalaki mo kung sino ang gusto mo

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending