Ai-Ai delas Alas may babala laban sa isang psoriasis treatment ad: Hindi ako gumagamit ‘nun…
PERSONAL nang nagbabala ang actress-comedienne na si Ai-Ai delas Alas sa pamamagitan ng isang video laban sa isang psoriasis treatment advertisement.
Hindi nabanggit ni Ai-Ai kung anong produkto ito, pero ayon sa kanya ay ginamit ang kanyang naging interview ilang taon na ang nakakaraan para ma-promote ang nasabing treatment.
Kwento pa ng aktres na nalaman niya ito matapos sabihin sa kanya ng isang kaibigan.
Sey niya sa video, “Ngayon lang ulit ako nag-live kasi nga nakita ko sa Facebook, pinadala sakin ng friend ko na meron siyang psoriasis na ito daw ‘yung ginagamit ko.
Paliwanag pa niya, “Ito ‘yung interview ko po siguro mga four years ago ba or three years ago, interview ko ‘to about my lifestyle kung bakit ako naging organic.”
Giit pa niya ay kahit kailan ay hindi niya ginamit ang nasabing psoriasis treatment.
“Pero gusto ko pong sabihin sa inyo na hindi po akong gumagamit ng gamot na ‘yan. Hinding hinding hinding hindi ko po ‘yan ginagamit.”
Nakiusap din siya sa nagpakana ng nasabing advertisement na maging patas at isipin din ang magiging epekto nito sa mga may sakit na tulad niya.
“Kung sino man po ang gumawa niyan, sana naman maging patas ka na ‘wag mo naman akong gamitin dahil una sa lahat, kaming mga may psoriasis, hindi rin biro ang mga dinadaanan namin about dito. Sa totoo lang, wala pong gamot sa psoriasis,” saad ni Ai-Ai.
View this post on Instagram
Sa caption naman ng kanyang Instagram post ay inirekomenda niya ang kanyang doktor sa balat.
Nabanggit niya rin na pwede niya rin ibahagi ang bago niyang lifestyle para gumaling.
Sabi niya, “if gusto nyo ng magandang gamot talaga, kung madami. Punta kayo kay Dr. Verallo, ‘yun ang doktor ko noon pa pero because of my lifestyle nawala ang psoriasis ko nood lang kayo turuan ko kayo. God bless us [red heart emoji].”
Para sa kaalaman ng marami, ang sakit na psoriasis ay isang uri ng chronic autoimmune skin disease na kung saan ay mabilis na mabuo ang mga cells sa ibabaw ng balat.
Dahil dito, bumubuo at kumakapal ang balat na parang kaliskis, tuyong patse-patse, kulay pula at makati.
Related chika:
Ai-Ai delas Alas excited mamuhay sa US kasama ang asawa: Our journey begins here
Ai-ai delas Alas may bwelta rin kay Andoy Ranay
Bagong gamot na itinurok kay Kris epektib: Kinaya ko the full dose!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.