Bagong gamot na itinurok kay Kris epektib: Kinaya ko the full dose!
Kris Aquino
MULING nagbigay ng update si Kris Aquino sa kanyang social media followers tungkol sa iniinda niyang mga sakit. Sabi ng TV host-actress may bagong treatment daw na gagawin sa kanya.
Nagsabi ang mama nina Joshua at Bimby noong Peb. 25 na mag-o-off muna siya sa social media dahil kailangan niyang magpahina bago tumanggap ng bagong treatment para sa ikabubuti ng kanyang health condition.
Nitong Martes ay nag-post ng video si Kris para sa bagong treatment na gagawin sa kanya, ang 1st Xolair injection na ayon sa kanya ay naging successful naman.
Narito ang ilang bahagi ng Instagram post ng Queen of Social media kagabi (bandang 10 p.m.), “1st Xolair injection was a success, meaning kinaya ko the full dose.
“For the privacy of my doctors let me say thank you using their 1st names: Dr. Hazel, Dr. Katcee, Dr. Nikki, and Dr. Cricket, nurse Eloi is back & nurse Bianca came para magbantay,” aniya pa.
Napapikit ang mga mata at nasambit niyang, “It’s okay” habang dahan-dahang itinuturok sa kanang braso ang unang injection at ang ikalawa ay sa kaliwang braso na nakapikit na siya the whole time.
Pagkatapos maiturok ay nagpalakpakan ang lahat dahil nakayanan niya ito at okay nga ang resulta.
Kuwento pa ni Kris habang ginagawa ang bago niyang treatment ay present ang dalawang close friends niya na parehong nasa politika, sina Makati City Mayor Anne Binay at Biñan City Representative Len Alonte. Nakabantay din ang iba pang kaibigan niya.
Aniya, “Of course present my 2 closest friends hindi related by blood BUT i love like sisters, @annebinay and Cong @lenalonte.
“Nakatutok siempre si @alvingagui @rochelleahorro @attygideon, Mike, Jeff, Andy, John, Laica, Rose, and Check,” sabi bi Kris.
Siyempre hindi puwedeng wala ang mga anak niya, “And katabi ko #bestsonsever Kuya Josh & Bimb. Yes, that’s why May tita Ballsy, we were updating my Ate every step of the way.”
At dahil successful ang bagong gamot na itinurok kay Kris ay kinailangan niya uling magpahinga para handa na susunod na dose na nakatakda sa Marso 13 at kapag okay ulit ang resulta ay maaari na silang mangibang bansa for another treatment.
“Thank you for your prayers- supposed to rest this week, then March 13 ang next shot- then after 5 days, praying nothing goes wrong, we finally go abroad & I continue my next doses of Xolair and finally tackle my autoimmune and other important health problems. In case magtatanong kayo, still just 85 pounds (38.5 kg),” sambit ni Kris.
Dagdag pa niya, “Good night & God bless you all.
“P.S. nurse Eloi was giving me diphenhydramine shots for my chronic urticaria, last night. Sanay na ko. Kailangan talaga kasi.
“Thank you for being part of my road to wellness & hopefully better quality of life journey w/ me.”
View this post on Instagram
Nagpakita ng kasiyahan at suporta ang mga nakasama ni Kris sa showbiz tulad ni Darla Sauler na nagsabing, “Yehey ang saya naman Krisy!!!!! Praise God!!! See you soon na yey!!!!”
Sabi naman ni Angeline Quinto, “Pagaling na Ate (hearts at praying hands emojis).”
Komento naman ni Maja Salvador, “Pagaling ka po Tita @krisaquino.”
Ang iba pang celebrities na nagpahayag ng kanilang kasiyahan para kay Kris ay si Angel Locsin, ang GMA reporter na si Sandra Aguinaldo, Direk Adolf Alix, Jr., Neil Arce, Melai Francisco at Neri Miranda.
https://bandera.inquirer.net/283700/alaga-at-kalinga-ng-ina-mas-dama-sa-gitna-ng-pandemya
https://bandera.inquirer.net/284811/netizen-inireklamo-ang-pagpapabakuna-ni-alice-sa-manila-bakit-pag-artista-may-exemptions
https://bandera.inquirer.net/282069/pabukol-na-bl-actor-gagawin-ang-lahat-para-lang-bumongga-ang-career
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.