Ai-Ai delas Alas excited mamuhay sa US kasama ang asawa: Our journey begins here | Bandera

Ai-Ai delas Alas excited mamuhay sa US kasama ang asawa: Our journey begins here

Therese Arceo - December 09, 2021 - 03:51 PM

Ai-Ai delas Alas excited mamuhay sa US kasama ang asawa: Our journey begins here

NAKARATING na sa Amerika ang aktres na si Ai-Ai delas Alas kasama ang asawang si Gerald Sibayan noong Sabado, Disyembre 4.

Pansamantala munang maninirahan ang mag-asawa sa Virginia, USA.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi ng aktres ang litrato nilang mag-asawa sa Dulles International Airport.

“Parang para sa amin ang caption. Yes North Virginia here we come.. Our journey begins here.

“Thank you dear Lord and Mother Mary. We landed safely,” saad ni Ai-Ai.

Dagdag pa niya, “Love you my darling. This is it! Start na ng buhay natin together.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by AIAI DELAS ALAS (@msaiaidelasalas)

Marami naman ang nag-akalang tuluyan nang iiwan ni Ai-Ai ang buhay sa Pilipinas dahil sa sinabi nitong “Start na ng buhay natin together” sa kanyang caption.

Tanong ng isang netizen, “Will you leave Philippines for good?”

Nilinaw naman ito ni Ai-Ai na babalik rin ito sa Pilipinas.

“Bukas nandyan na ko ulit hahaha … hindi naman bakasyon lang,” pabirong sagot ni Ai-Ai.

At mukha nga g enjoy na enjoy ang aktres sa kanilang pananatili sa US.

Sa Instagram stories nito ay ibinahagi niya ang pakikipagkita sa ilang mga kaibigan at kaanak pati na rin ang kanilang gala moments ng asawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nakakaaliw rin ang mga Tiktok videos nito na kuha sa kanyang bagong bahay sa US.

Nobyembre 2013 nang ikasal sina Ai-Ai at Gerald.

Related Chika:
Ai Ai, Gerald tuloy na ang pagtira sa US; balak ding magbuntis sa pamamagitan ng surrogacy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending