Brenda Mage nagparetoke ng ilong, sey ng netizens: Wala namang nagbago | Bandera

Brenda Mage nagparetoke ng ilong, sey ng netizens: Wala namang nagbago

Therese Arceo - December 03, 2022 - 09:06 PM

Brenda Mage nagparetoke ng ilong, sey ng netizens: Wala namang nagbago

IBINANDERA ng dating “Pinoy Big Brother” housemate at komedyanteng si Brenda Mage ang naging resulta ng kanyang pagpaparetoke ng ilong.

Sa kanyang YouTube vlog nga ay ipinakita ng vlogger-comedian ang kanyang ilong matapos ang naging operasyon.

Matatandaang noong December 1 nang tanggalin ang tahi sa gilid ng kanyang ilong.

Kwento pa nga ni Brenda, marami daw sa netizens ang patuloy na nang-ookray sa kanya at nagsasabi na tulad pa rin naman ng dati ang itsura ng kanyang ilong at tila wala namang nagbago.

“Sa mga nagsasabi diyan na kesyo wala namang nabago, malaki pa rin (ilong), hindi po ako nagpalagay ng implant, wala po akong ipinalagay na silicon carne diyan, wala pong inilagay diyan… nagpa-trim lang po ako rito,” sabi ng dating “PBB” housemate sabay turo sa gilid ng ilong.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Brenda Mage (@iambrendamage)

Pagpapatuloy pa niya, “Nilagyan ng konting bridge pero ang purpose ko lang talaga ay medyo lumiit… lumiit naman pati butas.”

Sa isang post naman niya sa Facebook ay ipinaliwanag niya ang nangyari sa kanyang ilong.

“Hindi naman ako nagpa-rhinoplasty para tumangos ‘yung dito [sa ilong] at hindi ko naman pinangarap na gumanda e di pahat pinabago ko. Ilong lang talaga kasi feeling ko ‘yun lang talaga ang imperfection ko,” biro ni Brenda.

Dagdag pa niya, “Sa mga nagsasabing walang masyadong nangyari, ganoon talaga. ‘Yan ang epekto niya. Walang masyadong nangyari, hindi naman halata kasi konti lang ang bayad kasi di natapos. Charot lang!”

Nilinaw naman ni Brenda na hindi naman siya sumailalaim sa rhinoplasty kung hindi sa alarplasty.

“Okay…… hindi po ako nagpa Rhinoplasty para tumangos o gumanda ang ilong ko.. nagpa Alarplasty/Alart trim lang po ako kaya kung sasabihin nyong walang pinagbago ganun talaga free lang yan wag OA kung may ginastos man ako Pang gas lang hahahaha

“Kaya sa mga panay yawyaw jan na walang nagbago edi wala sabi ko nga ayoko magpa rhino kasi ayoko may implant sa ilong ko tsaka diko naman ikagaganda yang tangos ng ilong diba hahaha… gusto ko lang normal pa din pinabawasan lang konti kayo naman galit na galit agad hahaha Peace na,” banat pa ni Brenda.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Brenda Mage umalma sa mga nagsasabing uhaw siya sa exposure: Tama po kayo sa lahat

Alexa na-hurt sa pinagsasabi ni Brenda Mage: Para na pala akong pulutan sa Bahay ni Kuya

Pagkatalo ni Brenda Mage sa ‘PBB 10’ ikinatuwa ng netizens: Yan ang tinatawag na karma!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending