Andrew E. never nakaranas ng sexual harassment: Hindi naman kasi ako katuksu-tukso | Bandera

Andrew E. never nakaranas ng sexual harassment: Hindi naman kasi ako katuksu-tukso

Ervin Santiago - January 03, 2022 - 07:48 AM

Dennis Padilla, Andrew E at Janno Gibbs

HINDI rin pala naging madali para sa actor-rapper na si Andrew E ang pagpasok niya sa showbiz, butas ng karayon din ang nilusutan niya bago nakamit ang tagumpay.

Kaya naman ang hiling niya, sakaling pasukin din ng kanyang mga anak ang mundo ng entertainment, huwag nilang danasin ang hirap na na-experience niya.

“Number one and foremost and the one and only answer, ang ayokong maranasan nila yung pag-enter ko sa showbiz. Yung pag-o-audition pa lang ako nung araw. 31 years ago nag-o-audition pa lang ako na hindi ako pinapansin, hindi ako tinatanggap. 

“Minsan pinalalabas pa ako ng mga security guard ng network. At niri-reject ako to the point na ayaw man lang pagmasdan or tingnan or i-evaluate ang aking talent,” pahayag ni Andree E.

Aniya pa, “Dahil ang nakikita nila yung pangangatawang itsura ko lang and panlabas na itsura ko lang. And feeling nila nakakapagtaka bakit ako nag-o-audition eh wala naman akong itsurang artista. 

“And at the same time, hindi naman ako kagandahang lalake din para sabihin mong papasa ako sa audition na maybe 100 or 200 people ang nag-o-audition katulad ko na nangangarap din. So yun yung ayaw kong maranasan nila,” lahad ng veteran comedian at isa sa mga bida ng Vivamax original movie na “Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo 2”.

View this post on Instagram

A post shared by Andrew E. (@andrewe_dongalo)


Patuloy pang kuwento ng komedyante, “It took me four years to be accepted in my very first audition. Imagine mo yun sa four years audition ka ng audition, baka sa one month na auditon umayaw ka na, eh. 

“E, ako four years so siguro yan ang gusto kong huwag nilang maranasan because hindi nila matatanggap yun. Buti kung Andrew E. yun na matatag ang kalooban, matibay ang aking isip and I am so determined to show my talent. 

“Paano yung mga hindi ko katulad na mabababaw ang damdamin, yung mga madaling masaktan at madaling magdamdam. Eh feeling ko, matikman mo lang ang kalingkingan nu’n umayaw ka na,” katwiran ni Andrew.

Sa tanong kung may naranasan ba siyang harassment noong panahong nag-iikot siya sa mga audition, “Sexual harassment wala naman, kasi hindi naman ako kagandahang lalake. 

“Nangyayari lang yung harassment siguro sa kapag ang isang nag-o-audition ay kanais-nais, karapat-dapat, or maybe katukso-tukso na ma-harass. Ako, wala sa akin yung tatlong yun kaya hindi ko rin naranasan yun,” pagpapakatotoo pa ni Andrew.

Palabas na sa Vivamax ang “Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo 2” ni Andrew E kasama sina Janno Gibbs, Dennis Padilla, Rose Van Ginkel, Ali Forbes, Stephanie Raz, Angela Morena, and Juliana Parizcova Segovia, directed by Al Tantay. 

https://bandera.inquirer.net/293034/andrew-e-game-na-game-pa-rin-sa-halikan-sa-pelikula-naka-jackpot-sa-2-seksing-leading-lady

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/301855/andrew-e-todo-pasalamat-kay-lord-nabiyayaan-ako-ng-biyayang-hindi-natatanggap-ng-karamihan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending