Vivamax bombshell Rob Guinto walang takot na ibinilad ang 'gubat' sa 'Virgin Forest', hindi nagpatalbog sa pagpo-frontal ni Sid Lucero | Bandera

Vivamax bombshell Rob Guinto walang takot na ibinilad ang ‘gubat’ sa ‘Virgin Forest’, hindi nagpatalbog sa pagpo-frontal ni Sid Lucero

Ervin Santiago |June 28,2022
facebook
share this

Vivamax bombshell Rob Guinto walang takot na ibinilad ang ‘gubat’ sa ‘Virgin Forest’, hindi nagpatalbog sa pagpo-frontal ni Sid Lucero

Ervin Santiago - June 28, 2022 - 07:55 AM

Rob Guinto

WALANG takot na nagpakita ng kanyang hubo’t hubad na katawan ang baguhang Vivamax bombshell na si Rob Guinto sa pelikulang “Virgin Forest.”

Yes, as in frontal kung frontal ang drama ng sexy star sa bagong obra ng award-winning director na si Brillante Mendoza na pinagbibidahan nina Angeli Khang, Sid Lucero at Vince Rillon.

Hindi nagpatalbog si Rob sa pagpapakita ni Sid ng kanyang kargada sa pelikula at game na game rin siyang nagbilad ng kanyang “flower.”

Kung nabitin kayo sa pinaggagawa ni Rob sa mga past Vivamax projects niyang “Siklo,” “X-Deal,” “Boy Bastos”, “Adarna Gang,” at  sa seryeng “High (School) On Sex”, dito sa “Virgin Forest”, ibinuyangyang na niya ang lahat-lahat.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rob Guinto (@rblyngnt)


Bukod sa pagpapakita niya ng kanyang “gubat”, grabe rin ang mga sex scenes niya sa pelikula kasama sina Vince, Markki Stroem, Ivan Padilla at Greg Hawkins.

Kaya naman nang sabihin ng press sa kanya na siya ang pinakareyna pagdating sa hubaran at pakikipagchurvahan sa movie, tawa nang tawa ang dalaga.

“Yes! Inamin ko na! Inaangkin ko na! Ha-hahaha!” ani Rob pagkatapos ng ginanap na private screening ng movie noong June 22.

“Ito po ang most daring role ko so far. Parang ako po ang sumalo ng lahat ng kay Angeli Khang!” humalakhak pa niyang pahayag.

Paano siya napapayag ni Direk Brillante na mag-frontal nudity at makipag-sex sa walong lalaki sa “Virgin Forest”?

“Bago ko naman po in-accept yung project na ito, ipinaliwanag naman po. At saka nagkaroon naman po kami ng storycon.

“Then yung mga gagawin ko. And nung nasa set na rin naman po kami, sinabi rin naman ni Direk kung ano yung role ko rin dito, kung paano yung mga magiging eksena.

“Nu’ng una, syempre po, kinabahan po nang konti. Konti. Kinabahan nang konti. Pero hindi naman din po kasi kami pinabayaan ng mga staff, ng production, ni Direk Brillante, and especially po yung mga co-actors ko,” paliwanag ng dalaga.

Nakiusap ba siya na mag-plaster ang mga naka-love scene niya sa pelikula? “Actually, hindi ko rin napansin, e. Pero siyempre po, hanggang maaari, mag-plaster sana.

“Pero kung hindi rin, okay lang naman din. Basta heads up-an ako, para makapag-prepare din naman ako. Mabilis naman po naming na-shoot yung scene na yun. Mabilis lang. Itinuro ni Direk Brillante kung ano yung step by step na gagawin.

“Wala na po kaming rehearsal. One take lang po yun. Ayaw din naman ni Direk na masyadong pinatatagal yung mga ganung maseselang eksena,” aniya pa.

At dahil nga sa mga ginawa niyang maseselang eksena sa pelikula, hindi kaya magalit o ma-shock ang pamilya niya kapag napanood nila ito?

“Hindi naman po. Kasi, sina Mama naman po, sobrang supportive naman sa akin pagdating sa mga ganitong linya ng trabaho.

“Lalo na nu’ng nalaman nila na pinasok ko ang showbiz. Talagang yung support, nandun. Walang humpay. Kaya yung napalabas nang ibang movies ko, ayun, lagi silang naka-support,” sagot ni Rob.
Inamin din niya na marami siyang natatanggap na indecent proposal mula nang sumabak siya sa pagpapa-sexy at paghuhubad sa mga pelikula ng Vivamax.

“Siyempre po, hindi naman po siguro maiiwasan yun. Meron talaga pero hindi na lang namin pinapansin,” sabi ng dalaga.

At tungkol naman sa mga nambabastos sa kanya online, “Ako, hindi ko po kasi sinasagot, e. Pinapabayaan ko sila, e, para mas lalo silang mainis.

“Kasi, the more na hindi mo pinapansin, lalo silang nangungulit. Ang katuwiran ko naman po kasi, hangga’t hindi mo ako pinapakain, wala kang pakialam sa buhay ko.

“Basta ako, ginagawa ko kung ano yung trabaho ko at wala akong inaapakang tao. Wala akong ginagawang masama sa ibang tao,” katwiran niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Streaming na ngayon ang “Virgin Forest” sa Vivamax. Kasama rin dito sina Alma Moreno, Julio Diaz, Jao Mapa, Alan Paule, Erlinda Villalobos, Kat Dovey at Micaella Raz.

Vivamax sexy star na si Rob Guinto enjoy na enjoy makipag-love scene sa kapwa babae: Ang saya, as in!

Sid Lucero nasaktan sa ginawang ‘orgy scene’ sa ‘Virgin Forest’ ni Brillante Mendoza

Sid Lucero 3 beses nagpakita ng kargada sa ‘Virgin Forest’: Gusto ko sana, prosthetic kaso hindi naman siya impressive

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending