SB19 may pa-donation drive para sa nasalanta ng bagyong Kristine

SB19 may pa-donation drive para sa nasalanta ng bagyong Kristine

Therese Arceo - October 25, 2024 - 08:14 PM

SB19 may pa-donation drive para sa nasalanta ng bagyong Kristine

ISANG donation drive ang isinagawa ng P-Pop boy group na SB19 kasama ang A’TIN (tawag sa kanilang fandom) para sa mga taong naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine.

Sa Facebook post ng 1Z ENTERTAINMENT nitong Huwebes, Oktubre 24, ibinandera nila ang mga detalye kung paano makakatulong para sa mga kababayang nasalanta.

“In partnership with A’TIN, we will be at the Yellow Gate, Araneta Coliseum on Oct 26-27 (10AM to 3PM) to accept in-kind donations for #KristinePH victims,” saad sa caption ng naturang post.

Baka Bet Mo: Sarah G, SB19 may pasabog na collab, fans excited: It’s finally happening!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Bukod rito, maaari ring makipag-ugnayan sa 18 Donation Drive o [email protected] para sa mga katanungan at paglilinaw para sa donation drive na isinasagawa ng SB19.

“Our thoughts and prayers are with those affected by the typhoon and flooding. Kaya nA’TIN ito. Babangon tayong lahat,” dagdag pa nito.

Ngayong araw, October 25, inaasahang makakalabas na nang tuluyan sa Philippine Area of Responsibility o PAR ang bagyong K

Inaasahan namang tuluyan nang makakalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Kristine ayon sa PAGASA.

Bago naman ang donation drive ay isa ang SB19 sa mga guest artists para sa naging “Magpasikat” performance ng Team Vice Ganda, Karylle, at Ryan Bang noong Lunes, October 21.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending