BGYO Gelo naaksidente sa PPopCon, napuruhan sa mata at pisngi | Bandera

BGYO Gelo naaksidente sa PPopCon, napuruhan sa mata at pisngi

Therese Arceo - July 19, 2023 - 09:44 PM

BGYO Gelo naaksidente sa PPopCon, napuruhan sa mata at pisngi

KASALUKUYANG nagpapagaling ang isa sa mga miyembro ng P-pop all-male group BGYO na si Gelo Rivera matapos itong maaksidente noong July 16 sa nagdaang PPopCON 2023 na ginanap sa Araneta Coliseum.

Ayon sa report na inilabas ng “TV Patrol”, aksidenteng tinamaan at nasapul ang ng pasabog na confetti ang mukha ng binata, partikular ang pisngi at mata nito.

Inakala pa nga ng mga audience ay nagbibiro lang si Gelo noong una ngunit agad naman itong dinaluhan ng kasamahan na si Akira.

Matapos nito ay ay agad ring sumaklolo ang nak-stand by na medic at organizers ng naturang event para dalhin ang binata sa ospital.

Ibinahagi rin ng mommy ni Gelo ang kanyang mga larawan kung saan makikita ang mga naging pasa, sugat, at mga paso sa kanyang pisngi maging sa mata.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gelo Rivera (@bgyo_gelo)

Baka Bet Mo: Criza Taa itinanggi ang relasyon kay BGYO Nate: Hindi para maging kabit huy!

Marami naman sa mga fans at supporters ang talagang nag-alala sa kalagayan ng binata. Maging ang iba pang mga kasamahan nito at kapwa artists ang nagpadala ng mensahe para sa agarang paggaling ng binata.

“We are very saddened to see BGYO Gelo suffer like this. We’re praying for your fastest recovery, our Kapitan. Get well soon,” saad sa Facebook page ng mga fans ng binata.

Nagpadala naman ito ng audio message sa “TV Patrol” para bigyan ng assurance ang mga supporters nito na maayos naman ang kanyang lagay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sa ngayon I’m taking medicine from the doctor. And magpapa-check ako sa ophthalmologist. Maraming salamat po sa concern n’yo!” ito ang mensahe ni Gelo sa ipinadalang audio message sa “TV Patrol”.

Related Chika:
BGYO, BINI matinding hamon ang haharapin sa ‘One Dream’ concert: Tingnan natin kung kakayanin nila!

‘One Dream’ concert ng BINI at BGYO trending worldwide; ang titindi ng prod numbers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending