Ashley dedma muna sa mga lalaki: I don't need a guy in my life!

Ashley Ortega dedma muna sa mga lalaki: I don’t need a guy in my life!

Ervin Santiago |April 02,2024
facebook
share this

Ashley Ortega dedma muna sa mga lalaki: I don’t need a guy in my life!

Ervin Santiago - April 02, 2024 - 06:29 AM

Ashley Ortega dedma muna sa mga lalaki: I don't need a guy in my life!

Ashley Ortega

SUPER happy ngayon sa kanyang personal life at showbiz career ang Kapuso actress na si Ashley Ortega.

Sumusumpa ang dalaga na single pa rin siya hanggang ngayon pagkatapos nilang maghiwalay ng kanyang ex-dyowa na si Lucena City Mayor Mark Alcala mahigit isang taon na ngayon ang nakararaan.

Ine-enjoy lang daw ngayon ni Ashley ang kanyang buhay bilang single lady at masaya naman daw siya kahit wala siyang boyfriend.

“My heart is so full, and I’m happy. But, I’m still single. I’m still single. But, I’m enjoying my single era,” ang pahayag ng aktres sa “Update with Nelson Canlas” podcast.

Baka Bet Mo: Ashley mabilisan ang paghahanda para sa pagsusuot ng 2-piece sa ‘Hearts On Ice’; kinilig at gwapung-gwapo kay Xian

Sey pa ng dalaga, isa sa mga pinagkakaabalahan niya ngayon bukod sa pagtatrabaho ang pagta-travel kung saan-saan.

“Feeling ko hindi ko rin muna makikita ang sarili ko in a relationship with someone.

“It was a tough year for me. Maraming iyak-iyak. Pangit din kasi na parang magpi-pretend ako na ayaw ko ‘tong maramdaman. I will allow myself to feel (heartbreak) para ma-released ko ‘to,” pagbabahagi pa ni Ashley.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ashley Ortega (@ashleyortega)


“I think doon din ako nag-heal parang, ‘Oh my gosh!’ I don’t need a guy in my life. I’m happy. I’m at peace and I’m really blessed,” dagdag pa ng Kapuso leading lady.

Natanong din ang aktres kung ready na ba siyang makipag-commit uli sa isang lalaki, feeling niya hindi pa raw sa ngayon dahil sa kanyang mga natanguang trabaho.

Isa sa mga bagong proyektong pinaghahandaan ngayon ni Ashley ay ang upcoming series Kapuso historical drama series na “Pulang Araw” na pagbibidahan nina Alden Richards, Dennis Trillo, Barbie Forteza, Sanya Lopez at David Licauco.

Baka Bet Mo: Francine Diaz: Wala akong boyfriend, single lady po ako!

Ngunit, sinabi naman niya sa naturang panayam na hindi naman siya na-trauma sa pakikipagrelasyon at bukas pa rin ang puso niya sa bagong pag-ibig.

“Of course, I’m not closing my doors, kapag may dumating na taong feeling ko may potential. I will, ano naman embrace it. Pero, sa ngayon kasi parang hindi, e,” aniya.

Inamin din niya na she’s dating din naman paminsan-minsan, “I do go out and hang out with guys, to get to know them, pero hanggang doon lang.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I always tell them also na, ‘Ano lang, ha, this is like a casual hangout.’ I just really wanna explore and get to know a lot of people,” sey ni Ashley Ortega.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending