Kyline pasado kay Carmina bilang dyowa ni Mavy Bandera

Kyline pasado kay Carmina bilang dyowa ni Mavy

Therese Arceo |November 09,2021
share this

Kyline pasado kay Carmina bilang dyowa ni Mavy

Therese Arceo November 09, 2021 - 01:51 PM

Kyline pasado kay Carmina bilang dyowa ni Mavy

PASADO ang aktres na si Kyline Alcantara sa ina ng kanyang ka-love team na si Carmina Villaroel-Legaspi.

Sa isang segment ng “Mars Pa More with Pars Kim Atienza”, ay tinanong si Carmina kung pasado ba si Kyline Alcantara sakaling maging sila ng anak nitong si Mavy Legaspi.

“Oo,” walang patumpik-tumpik na sa sagot ni Carmina.

“Kaya ang bilis kong sumagot ng oo kasi alam kong I am super sure. Super friends and barkada talaga sila,” dagdag pa ni Carmina.

Aniya, matagal na raw talagang magkaibigan ang dalawa bago pa man ito maging magka-love team.

“Very comfortable sila sa isa’t isa. Ganoon din naman ako dahil hindi lang naman si Mavy ‘yung kaibigan niya kundi si Cassy din,” sey pa nito.

Matagal nang usap-usapan kung ano ba talaga ang estado ng relasyon nina Mavy at Kyline.

Matatandaang ipinakilala ni Mavy si Kyline sa kanyang ina sa kanyang Instagram live habang nasa lock-in taping ito noong July para sa teleserye nila na “I Left My Heart in Sorsogon”.

“Hi, Ma. Crush ko nga pala,” saad ni Mavy matapos malaman na nanonood ang ina sa kanyang IG live.

Nag-post rin si Mavy sa kanyang Instagram ng litrato ng isang mystery girl na kinalaunan ay kinumpirma rin niya bilang si Kyline.

Mukha namang walang magiging problema sakaling pumasok sa relasyon ang dalawa dahil bukod sa nasa tamang edad na sila ay matagal nang na-establish ang kanilang relasyon at maganda ang magiging foundation nito lalo na at nagsimula sila bilang magkaibigan.

Kumbaga, hindi na sila masyadong mahihirapan mag-adjust sa isa’t isa dahil paniguradong kilala na nila ang ugali ng bawat isa.

Plus points pa nga na may blessing ng mga magulang ni Mavy ang kanilang relasyon at for sure ay payag rin ang parents ni Kyline dahil mabait na bata naman si Mavy.

Bukod pa rito, hindi rin matatawaran ang pag-suporta sa kanila ng kanilang mga fans.

Ngunit nasa desisyon pa rin ito ng dalawa kung gusto nilang i-level up ang kanilang friendship.

Sa ngayon ay mapapanood ang sina Kyline at Mavy sa teleseryeng “I Left My Heart in Sorsogon” na eere na sa ngayong Nobyembre 15 sa GMA7 sa direksyon ni Mark Sicat Dela Cruz.

Makakasama rin nila sa teleserye sina Heart Evangelista, Richard Yap, at Paolo Contis.

Related Chika:
Si Kyline Alcantara nga ba ang mystery girl sa buhay ni Mavy Legaspi?
Kyline sa sweet moments nila ni Mavy: Yung nakikita n’yo sa socmed wala pong scripted du’n, promise!

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending