Kyline sa sweet moments nila ni Mavy: Yung nakikita n'yo sa socmed wala pong scripted du'n, promise! | Bandera

Kyline sa sweet moments nila ni Mavy: Yung nakikita n’yo sa socmed wala pong scripted du’n, promise!

Ervin Santiago |October 12,2021
facebook
share this

Kyline sa sweet moments nila ni Mavy: Yung nakikita n’yo sa socmed wala pong scripted du’n, promise!

Ervin Santiago - October 12, 2021 - 08:49 AM

Kyline Alcantara at Mavy Legaspi

WALA pang diretsahang inaamin ang Kapuso loveteam na sina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Ngunit kung ang mga fans nila ang tatanungin, mukhang may “something” na nga sa pagitan ng dalawa lalo pa’t matagal-tagal din silang nagkasama sa lock-in taping ng upcoming Kapuso romcom series na “I Left My Heart in Sorsogon”.

Sey ng karamihan sa kanilang fans, hindi man daw aminin ng magka-loveteam kung anong level na ang kanilang friendship, naniniwala silang mauuwi rin sa totohanan ang pagiging magka-loveteam nila.

Sa panayam ng GMA kay Kyline, inamin nitong espesyal talaga sa buhay niya si Mavy at itinuturing niya itong isa sa pinakatunay at sincere niyang kaibigan.

“Every time na nagkakaroon ako ng problem, laging nandiyan si Mavy to help me. And isa si Mavy sa mga sinasabi kong friends na kapag napupunta ko sa rock bottom, nandiyan siya to pull me up sa rock bottom na ‘yun,” pahayag ni Kyline.

Sinagot din ng dalaga ang tanong naman kung kumusta ang pagtatambal nila ni Mavy sa “I Left My Heart in Sorsogon” na pinagbibidahan din nina Heart Evangelista, Paolo Contis at Richard Yap.

“Fun. It’s not that hard. Pero minsan kasi nanghihingi siya sa akin ng advice. Doon nagiging hard, kapag nanghihingi siya sa akin ng advice kung paano um-acting.

“Because I’m not the type of person naman na magko-correct ng work ng isang tao. Because sila ‘yon eh. ‘Yun ‘yung authentic self nila, ipinapakita nila.

“Overall, it’s really fun. Until now, because we’re still taping pala. It’s really fun to work with him kasi genuine lang talaga ‘yung batuhan namin ng linya,” chika pa ng Kapuso actress-singer sa nasabing interview.

At ito pa ang masasabi niya sa mga fans nila ni Mavy, “’Yung nakikita n’yo sa social media, wala pong scripted du’n talaga. I promise.

“Honestly, nagugulat na lang kaming dalawa ni Mavy na, ‘Nakuhaan nila ‘yang bonding natin na ‘yan?’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“We definitely can’t wait to see Kyline and Mavy, or #MavLine, bring more kilig through their characters in “I Left My Heart in Sorsogon,” sey pa Kyline.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending