Vhong ayaw nang maalala ang taong 'dedma lang' nang hingan niya ng tulong para sa kasong rape | Bandera

Vhong ayaw nang maalala ang taong ‘dedma lang’ nang hingan niya ng tulong para sa kasong rape

Reggee Bonoan |January 15,2023
facebook
share this

Vhong ayaw nang maalala ang taong ‘dedma lang’ nang hingan niya ng tulong para sa kasong rape

Reggee Bonoan - January 15, 2023 - 12:59 PM

Vhong ayaw nang maalala ang taong 'dedma lang' nang hingan niya ng tulong para sa kasong rape

Vhong Navarro

NAITSIKA na sa amin kung sinong personalidad ang hiningan ng tulong noon ni Vhong Navarro para sa kaso niya at hindi siya pinansin bagkus ay ipinasa pa siya sa iba na dinedma rin siya.

Ayaw na raw alalahanin ni Vhong ang taong iyon dahil naniniwala siya na baka kaya hindi siya tinulungan ay dahil lalabas naman ang katotohanan na wala siyang ginawang masama.

At heto nga, napagbigyan siyang pansamantalang makalaya sa pamamagitan ng piyansa bago mag-Pasko para makapiling ang buong pamilya.

Heto nga at babalik na siya sa “It’s Showtime” para magtrabaho dahil kailangan kaya imbes na magtanim ng sama ng loob ang TV host-actor sa mga taong nangdedma sa kanya ay nagpasalamat pa siya dahil may dahilan ang lahat.

Anyway, nabanggit din ng aming reliable source na hindi lang pala si Vhong ang humingi ng tulong sa personalidad, napakarami na rin pala pero dedma rin dahil ang katwiran niya ay wala siyang kuneksyon at nagtatrabaho lang siya.

Bigla tuloy naming naalala ang mga kuwento ng kapitbahay na lumapit sila sa kaanak ng personalidad dahil sa paniniwalang matutulungan sila dahil may puwesto ito sa bayan nila pero hindi sila pinansin at itinuro rin sa ibang tao.

May pinagmanahan naman pala ang personalidad sana nga lang kapag nangailangan din siya ng tulong ay hindi siya pagdamutan ng mga taong lalapitan niya.

Sikat na celebrity may hugot sa kilalang aktor: Ang hilig niyang mamikon, tapos siya pikon!?

Kilalang celebrity naloka, sumakit ang ulo sa napanood na pelikula: Para akong nabudol!

Vhong Navarro ‘masusunog’ ang ipon, sey ni Cristy Fermin: ‘Wala na siyang programa, wala na siyang trabaho’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending