Beteranong aktor insecure na plastik pa; buking ang modus sa mga naging dyowa | Bandera

Beteranong aktor insecure na plastik pa; buking ang modus sa mga naging dyowa

Cristy Fermin - May 08, 2019 - 12:55 AM

HUWAD lang pala ang ipinakikitang magandang pakikisama ng isang nagkakaedad nang male personality sa kanyang mga kapwa artista.

Akala ng marami ay mahusay siyang katrabaho, pero hindi pala, punumpuno pala ng insekuridad ang tumatanda nang aktor na ito.

Nu’ng kanyang kapanahunan ay umangat din ang kanyang kasupladuhan, maraming baguhang aktor ang minaliit niya, napakabilis niyang magtanong kung saan nagsipanggaling ang mga artistang baguhan.

Kuwento ng aming source, “Gumawa siya ng pelikula kasama ang isang magandang female personality, ang kontrabida sa kuwento, e, isang tisoy na aktor na direktor na ngayon.

“E, magaling ‘yung character actor, kinakabog siya sa mga eksena, kaya inapuntahan ng insecurity ang bumibidang aktor!

“Ang ginawa niya, para hindi siya masapawan nu’ng kontrabidang aktor, e, nakialam siya sa editing!

Buong ningning niyang ipinatanggal ‘yung magandang eksenang lutang na lutang ang talent ng aktor na kontrabida niya!

“Nagulat ang film editor, bakit niya ipina-edit ang eksenang ‘yun, e, ang galing-galing nga du’n ng nagkokontrabidang aktor?

“Tatayo raw ang eksena kahit wala ang kontrabidang aktor, tanggalin na lang daw, hinayang na hinayang ang film editor sa eksenang ‘yun! Talaga palang ayaw niyang nalalamangan siya sa acting ng ibang artista!

“Inaapuntahan siya ng insecurity, samantalang bidang-bida na nga siya! O baka naman kaya siya nagkakaganu’n, e, ramdam niyang tumatanda na siya?” natatawang komento ng aming impormante.

Hindi team player ang tumatanda nang aktor na ito, pera-pera na lang ang mahalaga para sa kanya ngayon, natatakot na siguro siya sa kanyang pagtanda.

“Naku, use me in a sentence nga! User naman talaga ang matandang artistang ‘yun! Pansinin n’yo lang, sinu-sino ba ang mga nakakarelasyon niyang artista?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Di ba, ‘yung hindi na niya pagkakagastusan, kasi, madatung na? Siya ang nakinabang sa pakikipagrelasyon, hindi siya ang nalagasan ng bulsa!

“Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, kapangalan niya ang isang brand ng yosi! ‘Yun lang!” pagtatapos ng aming source.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending