Maine nag-react sa ‘blind item’ na host na suplada

Maine nag-react sa ‘blind item’ na tungkol sa host na suplada, mataray

Pauline del Rosario |March 22,2024
facebook
share this

Maine nag-react sa ‘blind item’ na tungkol sa host na suplada, mataray

Pauline del Rosario - March 22, 2024 - 09:17 AM

Maine nag-react sa ‘blind item’ na tungkol sa host na suplada, mataray

Maine Mendoza, blind item

BILANG tugon sa ilang netizens na nanghula at binanggit siya, nag-react si Maine Mendoza sa isang blind item na tungkol sa isang female TV host na na-ban umano sa isang beauty clinic dahil sa katarayan.

Ang blind item ay ibinandera ng TikTok user na @basicpinay at as of this writing ay umaani na ito ng mahigit four million views, halos 50,000 likes at mahigit 2,700 comments.

“Da who [ang] female show host na kilala bilang masa at kalog, [napakataray] in real life,” caption sa post.

Chika pa, “According to a clinic owner, banned na ang host from her business dahil walang respeto sa staff niya ito.”

Base pa sa TikTok post, ang team ng naturang TV host ay nakipag-deal umano sa beauty clinic para ayusin siya bago mag-shoot.

Ayon daw sa mga staff ng clinic, ang TV host ay tila isang snub, reklamador at hindi man lang nakikipag-eye contact.

Baka Bet Mo: Kelvin Miranda sa pa-blind item ni Darryl Yap: ‘Wag po muna tayo mag assume

BILANG tugon sa ilang netizens na nanghula at binanggit siya, nag-react si Maine Mendoza sa isang blind item na tungkol sa isang female TV host na na-ban umano sa isang beauty clinic dahil sa katarayan.

PHOTO: TikTok/@basicpinay

Sa comment section, libo-libong fans ang sumubok na hulaan ang blind item at karamihan sa kanila, ang tinutukoy ay si Maine.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin:

“Mukhang si Maine, na-turn off sina mama ko ‘nung nanood sila ng Eat Bulaga last week [laughing emoji]”

“Parang si Maine haha naalala ko mga viral vids niya noon na tinapon niya ‘yung pen after may magpa-autograph sa kanya.”

“Mula sa umpisa binilang ko ang nag name drop ni Maine..lamang siya [laughing emojis]”

“Maine ‘yan haha obvious naman”

Samantala, may mga nagtanggol kay Maine at iginiit pa na mapapatunayan nilang mabait ang aktres dahil nakilala na nila ito sa personal.

Heto ang mga sentimyento nila:

“Maine Mendoza is a humble person. I’ve met her once sa isa sa mga event and she’s one of the special guests. She’s pretty and kind”

“I don’t think it’s Menggay [holding back tears emoji] She is a wonderful woman [red heart emoji]”

“Hoy anong Maine Mendoza?? na-meet na namin ‘yan, sobrang bait n’yan [crying emoji]”

“Huiii mabait si Maine huhu bakit siya sinasabi niyo rito”

Napa-react na rin si Maine sa blind item post at tila naguguluhan kung bakit siya nadamay.

Sey niya, “Ako agad? [laughing face with sweat emoji]”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

BILANG tugon sa ilang netizens na nanghula at binanggit siya, nag-react si Maine Mendoza sa isang blind item na tungkol sa isang female TV host na na-ban umano sa isang beauty clinic dahil sa katarayan.

PHOTO: TikTok/@basicpinay

Ilan pa sa mga hula ng netizen sa nasabing post ay sina Alex Gonzaga, Kim Chiu, Mariel Rodriguez, Karylle, Melai Cantiveros at Anne Curtis. 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending