Sikat na aktres puro tira-tirang ulam ang inireregalo; kaibigan nagreklamo sa panis na pasalubong | Bandera

Sikat na aktres puro tira-tirang ulam ang inireregalo; kaibigan nagreklamo sa panis na pasalubong

Reggee Bonoan |June 15,2022
facebook
share this

Sikat na aktres puro tira-tirang ulam ang inireregalo; kaibigan nagreklamo sa panis na pasalubong

Reggee Bonoan - June 15, 2022 - 05:44 PM

Guess, guess who! Mahulaan n’yo kaya kung sino siya?

SA latest vlog na “Showbiz Now Na” nina Nanay Cristy Fermin, Romel Chika at Morly Alinio ay napagkuwentuhan ang mag-inang personalidad na tinitipid sa pagkain ang kanilang mga kasambahay.

Hindi na bago ang mga ganitong kuwento dahil marami rin kaming alam tungkol sa pinagdadaanan ng mga kasama sa bahay ng mga kilalang personalidad pero sa ibang tao ay super galante naman sila.

Naalala tuloy namin ang sikat na aktres na sobrang generous sa mga non-showbiz friends na bumibisita sa bahay nila na talagang akala mo ay may piyesta dahil bumabaha ng pagkain.

At dahil hindi naman kayang ubusin ng mga kaibigang bumisita ay nagbibilin ang sikat na aktres sa mga kasambahay na ilagay sa malinis na container ang mga natirang ulam at ilagay sa refrigerator.

Tama rin naman para hindi ito mapanis at kaya pala may malaking chest freezer ang sikat na aktres sa kusina na ipinagtataka namin dati ay may mga nakalista pala rito kung ano ang mga laman.

Wala sa isip namin na puro tirang pagkain pala ang laman noon, akala namin mga bagong pinamili at kaya may listahan para alam kung ano ang nasa loob ng chest freezer.

Hanggang sa natiyempuhan namin na paalis ang sikat na aktres dahil may dadalawin siyang kaibigan at inutusan niya ang kasama sa bahay na ipainit ‘yung ulam at ilagay sa microwavable container dahil ito raw ang ipapasalubong niya sa kaibigan.

Pero ang mahigpit na bilin ng sikat na aktres, “Itsek mabuti na maganda ‘yung lagayan.”

In fairness, nang mailagay na ay parang bagong bili nga sa mamahaling restaurant dahil ang sosyal ng packaging.

Sa madaling salita okay na umalis na si sikat na aktres at ibinilin na lang sa kasama rin sa bahay ang mga kakailanganin namin para sa events nito.

Hanggang sa lumipas ang dalawang araw at kausap uli namin sa kabilang linya ang sikat na aktres at narinig naming kinagagalitan ang mga kasambahay na i-check ang laman ng freezer dahil baka may mga sira na.

Yung dinala raw niya kasi sa kaibigan niya ay may mga bula-bula na dahil hindi rin naman kaagad pala kinain at hindi rin inilagay sa refrigerator knowing na bagong luto ito kaya hindi kaagad masisira.

Tinanong namin ang kilalang aktres kung anong nangyari, “E, tumawag si ____ (pangalan ng kaibigan) kinagabihan daw puro bula, ang asim daw ng amoy. Sabi ko baka kasi nainitan kasi mainit ang panahon ngayon hindi kinaya ng aircon ng car.”

At doon lang namin naunawaan na tirang ulam pala ‘yung ibinigay sa dinalaw na kaibigan. Kaya pala ‘yung mga kasambahay ay nagbubulungan noong naiwan kami at ayaw ikuwento sa amin ang mga nangyayari.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasambahay nag-iiyak nang biglang ‘mag-away’ sina Vice at Ion

Sikat na celebrity may hugot sa kilalang aktor: Ang hilig niyang mamikon, tapos siya pikon!?

Female star naloloka sa kasambahay, nagka-COVID na labas pa rin nang labas: Kaka-stress!

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending