Matagal nang aktres usap-usapan sa showbiz events, bihira na lang mabigyan ng projects | Bandera

Matagal nang aktres usap-usapan sa showbiz events, bihira na lang mabigyan ng projects

Reggee Bonoan |October 01,2022
facebook
share this

Matagal nang aktres usap-usapan sa showbiz events, bihira na lang mabigyan ng projects

Reggee Bonoan - October 01, 2022 - 08:27 PM

Matagal nang aktres usap-usapan sa showbiz events, bihira na lang mabigyan ng projects

SA isang showbiz events ay pinag-uusapan ang matagal nang aktres na hindi pa nito nararating ang rurok ng tagumpay dahil bihira naman siya mabigyan ng projects sa hindi malamang dahilan.

Kaya sa panahong walang ginagawa ng matagal ang aktres ay nag-aral siya at dito niya inubos ang oras niya na nagtagumpay naman dahil nakapagtapos na siya ng kolehiyo na tila ito muna ang gustong mangyari ni Lord bago siya maging abala sa showbiz.

May mga projects na pumapasok sa matagal nang aktres ang kaso hindi naman siya bida, laging support lang kaya kapag kasama niya ang boyfriend na aktor din ay dito siya nagiging bida dahil pinagbibigyan siya nito.

Nabanggit pa na hindi approachable ang matagal nang aktres dahil sa set ng TV series o mall shows ay dedma ito sa production staff. Mas gusto niyang magdudutdot ng cellphone niya kaysa makipag-bonding sa mga kasamahan sa set unlike sa ibang co-stars na marunong makisama.

Naikumpara tuloy ang matagal nang aktres sa bff din niyang aktres na palabati at tsumitsika sa set.

“Hindi rin siya kagalingang umarte kaya wala ring dahilan para maging prayoridad siya sa projects actually pareho sila ng bff niyang aktres na walang gaanong project ang pagkakaiba lang, mas okay si (kaibigang aktres).

“Ang maipupuri mo naman sa matagal ng aktres ay professional siya sa oras, before the call time nasa set na siya at ready na. Siguro doon siya bumabawi,” tsikahan sa showbiz events.

As of now ay may series ang matagal ng aktres at excited siyang mag-taping na laging nasa loob lang ng kuwarto lalo’t lock in sila.

* * *

Sa umeereng kuwento ng “A Family Affair” ay buking na ni Cherry Red o Ivana Alawi ang kasalanang ginawa ng magkakapatid na Estrella na sina Sam Milby, Jameson Blake, Jake Ejercito at Gerald Anderson kaya naman maghihiganti siya.

Kay Cherry Red nakapangalan ang rancho kaya magagamit niya ito pati na ang iba pang kayamanan ng pamilya Estrella para sa kanyang paghihiganti. Tinipon nga niya sina Paco (Gerald), Dave (Sam), at Seb (Jake) para kamustahin at sabihin na batas na niya ang susundin sa kanilang pamamahay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ivana Alawi (@ivanaalawi)

Agad nga niyang ipinadakip si Drew (Jameson) at ikinulong sa basement ng kanilang mansyon. Ipinalabas niya na paraan niya ito para mapalayo ang binata sa paggamit ng droga. Sinunod naman niyang puntiryahin si Seb at nilagyan ng camera ang kwarto ni Florabelle (Claire Ruiz) kung saan nagkita muli ang dalawa.

Mas lumalamig naman ang kanyang pakikitungo sa asawang si Paco (Gerald) kahit pa paulit-ulit itong humihingi ng paumanhin.

Samantala, miserable naman si Dave nang malaman niyang hindi totoong buntis ang asawang si Becca (Aya Fernandez).

Huwag palampasin ang kapanapanabik na kwento ng “A Family Affair” at mauna na itong panoorin sa iWantTFC app (iOs at Android) o iwanttfc.com48 oras bago ito umere sa telebisyon. Maari rin itong subaybayan tuwing Lunes hanggang Biyernes, 9:20PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live,A2Z, Jeepney TV, TFC IPTV,at TV5.

Other Chika:
Hirit ni Bea sa misis ni Dingdong: Magpapaka-close na ako, Marian, baka naman!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jennylyn, Dennis magkaka-baby girl na!

Wish ni Ogie tinupad ng Showtime, madlang pipol nag-enjoy: Laughtrip kahit wala si Vice!

Paulo ibinuking si Janine, iyak nang iyak nang magkaproblema sa paglipat sa ABS-CBN

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending