Wish ni Ogie tinupad ng Showtime, madlang pipol nag-enjoy: Laughtrip kahit wala si Vice! | Bandera

Wish ni Ogie tinupad ng Showtime, madlang pipol nag-enjoy: Laughtrip kahit wala si Vice!

Ervin Santiago |October 06,2021
facebook
share this

Wish ni Ogie tinupad ng Showtime, madlang pipol nag-enjoy: Laughtrip kahit wala si Vice!

Ervin Santiago - October 06, 2021 - 11:23 AM

Ogie Alcasid

FINALLY, natupad na rin ang isa sa matagal nang pinapangarap ng Ultimate Singer-Songwriter na si Ogie Alcasid.

Dream come true para sa asawa ni Regine Velasquez ang maging host ng “It’s Showtime” kahit pansamantala lang, nang i-welcome siya ng programa nitong nagdaang weekend.

Inamin ni Ogie na matagal na niyang gustong makasali at makasama ang masayang grupo ng “It’s Showtime” at hindi lang umupo bilang hurado sa “Tawag ng Tanghalan.” 

“Kapag nandoon ako sa hurado, nabibitin ako. Gusto ko rin makipagsayawan,” pahayag ni Ogie.

Aliw na aliw ang mga manonood dahil swak ang mga hirit, patawa, at istilo ni Ogie sa pagho-host sa mga kasamahan niya sa programa. Natuwa naman si Amy Perez dahil hindi lang siya ang maituturing pinaka-senior sa mga host sa programa. 

Ngunit sa “Madlang Pi-poll” portion, napansin ni Vhong Navarro na tila naninibago si Ogie dahil marami itong natatanggap na senyales mula sa staff. 

Natawa na lang si Ogie at sinabing, “Ang daming nangyayari. Nalilito ako. Ang daming ilaw. Sige lang, nagpapadala lang ako sa hangin.”

Gayunpaman, bumuhos pa rin ang magagandang comments at papuri ng netizens sa pagho-host ni Ogie at hiniling na maging mainstay na siya ng noontime show. 

Tweet ni @Tanya1872, “#ShowtimeOctoBest sobrang tawang tawa ako kay Ogie Alcasid. Bagay siya sa showtime. Laughtrip kahit wala si Vice Ganda!”

Pahayag ni @yeahmaybeitsme, “Aliw naman ito si Mr. Ogie Alcasid sa Showtime. Gawin pong mainstay please! #ShowtimeOctobest.”

“Favor ako na Gawing mainstay host si Ogie Alcasid sa Showtime nakakaaliw sya #ShowtimeOctobest,” sabi ni @iamjonlorenz.

Bukod naman sa hosting ni Ogie, tinutukan din ng viewers ang monthly finals ng “Reina ng Tahanan.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hinirang ang Caviteñang si Lilia Alban bilang “Reina ng Tahanan” monthly winner matapos makakuha ng 93.7% mula sa combined scores ng mga hurado. Bilang Reinanay of the Month, nakapag-uwi si Nanay Lilia ng P30,000, sash, scepter, at amber crown.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending