Paulo ibinuking si Janine, iyak nang iyak nang magkaproblema sa paglipat sa ABS-CBN | Bandera

Paulo ibinuking si Janine, iyak nang iyak nang magkaproblema sa paglipat sa ABS-CBN

Ervin Santiago |September 05,2021
facebook
share this

Paulo ibinuking si Janine, iyak nang iyak nang magkaproblema sa paglipat sa ABS-CBN

Ervin Santiago - September 05, 2021 - 08:42 AM

Janine Gutierrez at Paulo Avelino

MATAGAL na palang gustong lumipat sa ABS-CBN ang dating Kapuso actress na si Janine Gutierrez.

Ito ang ibinuking kamakailan ng kanyang leading man sa upcoming Kapamilya series na “Marry Me Marry You” na si Paulo Avelino na dati ring taga-GMA 7.

Ayon kay Paulo, matagal na raw gustong maging Kapamilya ni Janine, “I’ve always wanted to welcome you here. Ah, quick trivia. Sabihin ko ba? (sabay tingin kay Janine).

“Parang, Janine was supposed to be here maybe a few years back. Tapos, nagkaproblema lang with something. Tapos, hayun, nabalitaan ko, we have the same manager (Leo Dominguez) and management.

“So, parang, I get the stories first hand. So, my manager called me, iyak daw nang iyak si Janine. Kasi, hindi makakalipat,” lahad ng award-winning actor sa ginanap na virtual mediacon ng “Marry Me Marry You” nitong nagdaang Huwebes.

Parang hiyang-hiya naman si Janine sa mga sinabi ni Paulo at tinapik pa nga niya ito sa balikat. Hirit pa ni Paulo, “So, parang, matagal nang ginusto ni Janine na maging Kapamilya! Ha-hahahaha!

“But you know, I always see Janine on magazines, or on posts. Parang you always wonder, parang, ‘Oh, how’s Janine doing? What is she doing now?’

“Parang it makes you also want to try to work with her, because I know she has more to offer, and she has been winning awards here and there.

“And I don’t know, I just… when it comes to Janine, I feel like a manager. Ha-hahahaha!” Na sinagot naman ni Janine ng, “True!” 

Dugtong pa ng aktor, “Or someone who always needs to help her, to support her all throughout her career.”

Nagpasalamat din si Paulo kay Janine nang sabihin ng aktres na matagal na rin nitong pangarap na makatrabaho siya at natupad na nga ito ngayong pareho na silang nasa ABS-CBN.

Ani Paulo, “Nakakakilig din naman when someone wants to work with you. Kasi, marami pa talaga akong hindi nakakatrabaho.

“At kung mabibigyan ako ng chance, gusto ko rin silang makatrabaho. Magkaroon man lang ng ibang experience with other people, especially in this industry.

“I’m happy that I’m working with Janine now. And sana, hindi ito ang huli,” anang aktor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood na ang “Marry Me, Marry You” simula sa Sept. 13, Lunes ng 9:20 p.m., sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z at TV5.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending