Jennylyn, Dennis magkaka-baby girl na! | Bandera

Jennylyn, Dennis magkaka-baby girl na!

Therese Arceo |November 27,2021
facebook
share this

Jennylyn, Dennis magkaka-baby girl na!

Therese Arceo - November 27, 2021 - 12:34 PM

Jennylyn, Dennis magkaka-baby girl na!

NATUPAD na ang matagal nang ng Kapuso stars na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo na magkaroon ng baby girl.

Dati pa man raw ay pangarap na nila ito sapagkat parehas na silang may mga anak na lalake sa mga nakalipas nilang partners.

Sa kanilang latest vlog ay isiniwalat na nina Jennylyn at Dennis ang kasarian ng kanilang baby. Ito ay idinaos kasabay mg kanilang reception ng kanilang civil wedding noong Nov. 15.

“Noon pa man, gusto na namin ni Jen na magkaroon ng baby girl kasi syempre ‘yung mga anak namin, puro lalaki. Gusto naman namin ng ibang mapaglalaruan, ibang mabibihisan, lalong lalo na si Jen. Talagang tuwang-tuwa siya sa baby girl,” kuwento ni Dennis.

Dati nga raw ay nanghihiram pa sila ng babaeng anak mg mga kaibigan.

“Naaalala ko, ‘yung anak ni Empress, si Athalia. Wala pa tayong plano nun pero lagi namin siyang hinihiram. Si Amelia, tapos ‘yung anak ni Sheena (Halili), si Martina,” kuwento naman ni Jennylyn.

Amin pa ni Dennis, noong nandoon pa sila sa Dallas habang inaayos ang surrogacy plans nila ay nag-request na sila na sana baby girl ang lumabas kaso noong nabuo raw ang embryo ay lalaki raw ang gender. Pero happy pa rin naman daw sila kung sakaling lalaki ang kanilang maging baby.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jennylyn Mercado (@mercadojenny)

Pero siguro law of attraction works dahil noong malaman nila na buntis na si Jennylyn ay minanifest na nila na baby girl ang magiging anak.

Lagi rin daw nila itong tinatawag na baby girl at mahilig na rin silang tumingin ng mga gamit na pambabae para sa baby.

“Ako sobrang confident kasi feeling ko talaga, ibibigay sa atin ‘yung matagal na nating gusto and feeling ko, ito ‘yung panahon na ‘yun na mangyayari na,” sabi ni Dennis.

Kuwento rin nila, madalas na raw pumupunta sa Sta. Clara ang ina ni Dennis para mag-alay ng eggs at masigurong babae talaga ang magiging baby nila ni Jennylyn.

Kahit raw si Calix, anak ni Dennis, ay tatlong beses nanaginip na buhat buhat niya ang kanyang little baby sister.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya naman labis ang tuwa ng dalawa ng tuluyang makumpirma na babae ang kanilang anak.

“Sa wakas!! Magkakababae na tayo,” masayang saad ni Jennylyn pagkatapos ng kanilang gender reveal.

Related Chika:
Jennylyn sa taro cards unang nakumpirma ang pagbubuntis; dinugo habang nasa taping ng ‘Love, Die, Repeat’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending