Hirit ni Bea sa misis ni Dingdong: Magpapaka-close na ako, Marian, baka naman! | Bandera

Hirit ni Bea sa misis ni Dingdong: Magpapaka-close na ako, Marian, baka naman!

Ervin Santiago - August 22, 2021 - 09:01 AM

Bea Alonzo at Marian Rivera

KILIG na kilig si Bea Alonzo nang makaharap sina Kapuso Primetime Queen Marian Rivera at award-winning broadcast journalist Korina Sanchez sa isang virtual event kamakailan.

First time nagkasama-sama at nagkachikahan nang bonggang-bongga ang tatlong kilalang celebrities para sa virtual anniversary celebration ng Beautéderm na pag-aari ni Rhea Tan.

Sa isang bahagi ng online event, nabanggit ng bagong Kapuso actress na kinikilig siyang makasama sina Marian at Korina, “Actually, sa totoo lang, kinikilig ako.

“Alam mo kung bakit? Nandiyan na si Miss Korina Sanchez, nandiyan pa si Miss Marian Rivera Dantes.”

Sagot naman ni Marian sa kanya, “Asus!”

Sey uli ni Bea, “Parang I’m in the presence of such beauty, power, di ba? Kinikilig ako.”

Hirit ni Marian, sana raw ay mabigyan din sila ng chance na magkita-kita sa personal kapag bumalik na sa normal ang sitwasyon.

“’Yan nga ang sabi ko kanina. Sana matapos na lahat para magkita-kita na tayo nang aktuwal. Hindi yung nakaganito tayo, di ba?” pahayag ng misis ni Dingdong Dantes.

Sagot sa kanya ni Bea, “Actually! Imagine kung personal ito. Imagine kung gaano kasaya ‘yon!”

Sabi ng host ng virtual event na si Darla Sauler, nakapunta na siya sa bahay ni Bea kaya sana raw next time ay makadalaw naman sila sa bahay ni Marian.

Chika ni Bea, “Oo nga, baka ma-invite na tayo ni Marian. Magpapaka-close na ako. Marian, baka naman.”

Mabilis namang sagot ni Marian, “Sure ba! Basta matapos itong pandemya. At ipagluluto ko kayo ng menudo ng lola ko.”

“Ayun!” tugon ni Bea.

Hirit pa ng Kapuso Primetime Queen, “Bea, kailangan magluto ka rin. Magdala ka rin ng niluto mo. O, di ba? I-invite ko kayo next time.”

Kung matatandaan, matapos pumirma ng kontrata si Bea sa GMA, isang video ang ipinalabas kung saan nagbigay ng message sa kanya ang big stars ng Kapuso network kabilang na sina Alden Richards, Marian at Dingdong.

“Really looking forward to work with you in my home network and I hope you will have a very fun stay here with us,” pahayag ni Alden na magiging leading man ni Bea sa upcoming movie ng GMA Films.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sey naman ni Marian kay Bea, “Many are waiting for you here and we’re happy that finally, you’re a Kapuso.” 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending