Magka-loveteam nagtikiman sa ibang bansa; SnoRene fever pak!

Magka-loveteam nagkatikiman sa ibang bansa; SnoRene fever mas tumindi pa

Ervin Santiago |April 10,2024
facebook
share this

Magka-loveteam nagkatikiman sa ibang bansa; SnoRene fever mas tumindi pa

Ervin Santiago - April 10, 2024 - 09:00 AM

Magka-loveteam nagkatikiman sa ibang bansa; SnoRene fever mas tumindi pa

Guess, guess, who!?

NAGKATIKIMAN pala ang kilalang magka-loveteam nang magtungo sila sa ibang bansa para sa isa nilang bonggang project.

Ispluk ng ating source, bumigay daw ang kilalang aktres sa kanyang leading man nang magkasama sila sa isang bansa sa Europe.

In fairness, bagay na bagay naman ang magka-loveteam at talagang marami ang nagsi-ship sa kanila at umaasang sila ang magkakatuluyan sa ending.

Sabi ng ating source, pareho namang single ngayon ang kilalang aktres at ang gwapo at magaling niyang leading man kaya walang magiging problema kung sakaling maging sila sa tunay na buhay.

Baka Bet Mo: Female celeb nahuling may BF ang karelasyong aktor kaya nakipaghiwalay agad

Pero ang eksena nga, mukhang hindi na natiis ni aktres ang kanyang sarili at buong-puso na niyang “isinuko ang Bataan” sa aktor na kilala sa showbiz na tahimik lang pero matinik sa mga babae.

Kuwento ng ating kausap, bigla na lang daw nawala ang magka-loveteam at “nagsolo” sa isang kuwarto ng hotel na kanilang tinutuluyan. At doon na mga raw nangyari ang kanilang totohanang love scene.

Rebelasyon ng ating source na nakakakilala sa dalawang celebrities, mukhang nade-develop na sila sa isa’t isa kaya huwag na raw tayong magtaka kung bumandera one of these days ang kanilang relasyon.

Ngunit ang inaalala ng ilang taong malapit kay aktres, baka raw kapag nagsawa na ang aktor sa kanya at ngayong nakuha na nito ang gusto niya ay baka raw bigla na lang siyang Iwan.

May image kasi ang aktor na madaling magsawa sa kanyang karelasyon tulad na lang ng nangyari sa past relationships niya.

Wala nang clue mga besh dahil knows kong kering-keri n’yong hulaan kung sino ang magka-loveteam na ito.

* * *

Damang-dama ang SnoRene fever nina Anthony Jennings at Maris Racal sa iWantTFC, ang home ng Filipino stories —tampok ang kani-kanilang mga kinagiliwang mga serye at pelikula na pumatok sa madla na mapapanood din nang libre.

Baka Bet Mo: McCoy, Elisse wala pang balak magpakasal, uunahin muna ang pag-aalaga kay Baby Felize

Bago pa man makilala bilang ang maarteng socialite na si Irene Tiu sa ongoing hit primetime serye na “Can’t Buy Me Love,” naipamalas ni Maris sa publiko ang kanyang husay sa pag-arte mapa-comedy, drama, romance, o horror.
Ibibida sa iWantTFC ang kanyang notable roles sa iba’t ibang genre, kabilang ang pagiging aspiring social media personality sa “I’m Ellenya L.,” ang kanyang mga bitter hugot sa pag-ibig sa iWantTFC original na “The Goodbye Girl,” at ang kagimbal-gimbal niyang thriller role sa pelikulang “Bloody Crayons.”

Samantala, itatampok din sa iWantTFC ang mga palabas ng rising actor na si Anthony na kilala rin na ½ ng SnoRene tambalan bilang kwelang rakitero na si Snoop Manansala.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Anthony Jennings (@anthonyjenningss)


Palabas na on-demand ang kanyang breakout role sa youth-oriented iWantTFC original na “Tara, G!” habang tampok din ang isa sa early acting credits niya sa original comedy anthology series na “Touch Screen” at ang kanyang pagsabak sa action sa primetime hit noon na “The Iron Heart.”

Lahat ng ito, libreng mapapanood sa iWantTFC sa pamamagitan ng official app nito (iOS at Android) pati website (iwanttfc.com).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maliban sa mga ito, patuloy pa ring mapapanood ang kanilang SnoRene loveteam sa “Can’t Buy Me Love,” na mapapanood ang bagong episodes 48 hours in advance sa iWantTFC.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending