Kilalang aktres 'pinadasalan' ang sikat na aktres, insecure nga ba?

Kilalang aktres ‘pinadasalan’ ang sikat na aktres, insecure nga ba?

Reggee Bonoan |December 20,2023
facebook
share this

Kilalang aktres ‘pinadasalan’ ang sikat na aktres, insecure nga ba?

Reggee Bonoan - December 20, 2023 - 12:18 PM

Kilalang aktres 'pinadasalan' ang sikat na aktres, insecure nga ba?
TRULILI kaya na sa sobrang insecure ng kilalang aktres sa sikat na aktres ay pinadasalan niya ito?

Maraming nakakita sa kilalang aktres na nagpunta siya sa kilalang lugar para idulog ang kanyang layunin at dahil nga kilala siya kaya marami ang nagpa-picture at hindi niya ito maitatanggi dahil halos lahat ng bahay doon ay naka-display ang larawan niya kasama ang mga taong nagpakuha sa kanya ng litrato.

Anyway, wala namang masamang ginawa ang kilalang aktres sa sikat na aktres at may mga ilang bagay lang siyang tinanong tungkol sa pagmamahal dahil pakiramdam niya ay mahal pa rin ng sikat na aktor ang sikat na aktres kahit matagal na silang hiwalay.

Ang sikat na aktor ay karelasyon ng kilalang aktres pero nitong mga huling araw ay may mga balitang on the rocks ang kanilang pagsasama.

Kung dati-rati ay madalas silang magkasama sa mga out of town trips ay hindi na ngayon dahil ang mga kaibigan ng sikat na aktor ang mga kasama niya bagay na ipinagtataka ng mga nakakakilala sa kanilang dalawa dahil nga clingy si kilalang aktres.

Baka Bet Mo: Anak ng kilalang aktres usap-usapan kung sino ang tunay na ama, hindi raw kamukha ng kasalukuyang partner

Sa kasalukuyan ay nanatiling tikom ang bibig nina sikat na aktor at kilalang aktres kaya’t waiting ang lahat sa announcement ng dalawa.

Base naman sa mga loyalistang supporters nina sikat na aktor at kilalang aktres ay nanalangin n asana hindi sila matulad sa LizQuen, KimXi at KathNiel.

“Ang tsaka ng 2023, tatlong sikat na loveteam naghiwalay. Anong meron sa 2023?” komento ng supporter ng KimXi.

Anyway, hindi na namin babanggitin kung ano naman ang tawag kina sikat na aktor at kilalang aktres pero sana nga maayos nila anuman ang problema ng relasyon nila dahil parehong boto naman ang magulang nila sa kanila.

Baka Bet Mo: May-ari ng travel agency feeling nabudol ng kilalang aktres, hindi na ni-renew ang kontrata

* * *

Todo ang pasasalamat nina Zaijian Jaranilla at Miggy Jimenez, o mas kilala sa love team nilang ‘TimPoch,’ sa mainit na pagtanggap ng viewers sa kanilang tambalan sa Kapamilya teleseryeng “Senior High” na pinagbibidahan ni Andrea Brillantes.

Inamin ng dalawang aktor na hindi nila inaasahan ang mga positibong komento ng mga manonood para sa kanilang BL love team, lalo na para sa kissing scene ng kanilang mga karakter na sina Tim (Zaijian) at Poch (Miggy).

“Sobrang nakakataba ng puso dahil nagustuhan at minahal siya ng mga tao. Pag magkaka-eksena kami, nagtatanungan kami kung hanggang saan lang ba pwede. Importante ‘yung communication namin dahil hindi basta-basta ‘yung scenes na ginagawa namin,” sabi ni Zaijian sa isang interview noong “Forever Grateful: ABS-CBN Christmas Special 2023.”

Nagpasalamat din si Zaijian sa paggabay ng kanilang mga direktor sa serye at labis din siyang natutuwa kapag nakaka-relate ang viewers sa kanyang karakter na naguguluhan pa raw sa tunay nitong sekswalidad.

Baka Bet Mo: Ex-child star na si Mutya Orquia umaming hiyang-hiya nang makatrabaho uli si Zaijian Jaranilla: ‘Kuya-kuya ko po kasi siya dati’

Ikwinento naman ni Miggy na patuloy nilang papakiligin at magbabahagi ng mahahalagang aral sa mga manonood.

“Sobrang overwhelming but at the same time ayokong ipasok sa head ko. Ayokong sirain ‘yung chemistry na meron kami. We didn’t even plan it at all kaya gusto ko siyang i-treasure. I have to be grateful,” sabi niya.

Naging patok sa netizens ang nakakakilig na mga eksena nina Zaijian at Miggy kamakailan at patuloy nilang pinuri ang “Senior High” sa pagtatalakay ng importanteng mga isyu na ikinakaharap ng mga kabataan ngayon.

Tutukan ang mga rebelasyon sa “Senior High” gabi-gabi ng 9:30 PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, iWantTFC, at TFC.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending