May-ari ng travel agency feeling nabudol ng kilalang aktres, hindi na ni-renew ang kontrata | Bandera

May-ari ng travel agency feeling nabudol ng kilalang aktres, hindi na ni-renew ang kontrata

Reggee Bonoan |October 25,2023
facebook
share this

May-ari ng travel agency feeling nabudol ng kilalang aktres, hindi na ni-renew ang kontrata

Reggee Bonoan - October 25, 2023 - 11:27 AM

May-ari ng travel agency feeling nabudol sa kilalang aktres, hindi na ni-renew ang kontrata

Guess, guess who!?

NAGKUWENTO sa amin ang pinsan ng may-ari ng isang travel agency patungkol sa isang kilalang aktres na napakamahal ng talent fee.

Kuwento ng aming source tila nagsisisi raw ang owner ng travel agency sa pagkuha sa aktres bilang endorser na super expensive na nga ang talent fee ay pakiramdam nito ay nabudol pa siya.

“Sabi ng pinsan ko, grabe raw mambudol si ___ (aktres) kasi una nagtanong kung magkano ang package sa lugar kasi raw may event siyang pupuntahan, sinagot naman ng pinsan ko, tapos nagtanong magkano ang discount pag marami sila.

“Since endorser, kaya sabi ng pinsan ko libre na lang siya ____ (aktres) e, naloka kasi lampas 10 sila at humihirit ng libre na lang lahat kasi ganito o ganyan.

Baka Bet Mo: Model-politician umalma nang madamay sa pambabatikos kay Poblacion Girl; nega sa COVID

“Basta maraming pag-uussap na nairita ang pinsan ko at ipinasa siya sa agent dahil na-stress na at saka may meeting pa siya.

“Sabi rin nu’ng agent super kulit daw at kung anu-ano ang sinasabi na parang galit pa at kesyo malakas siya sa ___ (kilalang news program) at hindi niya ipo-promote.

“E, hindi type ng pinsan ko, maraming diskusyon kaya ginawan ng paraan para matapos na lang at iyon daw ang huling deal niya sa aktres at dedma na sa mga susunod na request at higit sa lahat hindi na siya ire-renew,” kuwento ng pinsan ng may-ari ng travel agency.

Kaya pala ‘yung ibang artists o kilalang personalidad ay hindi na nare-renew dahil sa mga ganitong drama.

Si aktres ay rumaraket bilang host at sa tingin namin ay mas bagay siyang mag-host kesa umarte dahil hindi naman siya kagalingan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Naalala tuloy namin ang kuwento ng mga nakakalam sa showbiz na maraming personalidad na nabubuhay sa puro libre at konting kibot ay talagang nangungulit sa mga taong kakilala nila at mga brands na dati nilang sponsors.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending