Model-politician umalma nang madamay sa pambabatikos kay Poblacion Girl; nega sa COVID
Carlos Laurel
PINALAGAN ng pinsan ni Denise Laurel na si Carlos Laurel ang pambabatikos sa kanya ng ilang netizens matapos kumalat sa social media ang litrato nila ng binansagang “Poblacion Girl” na si Gwyneth Chua.
Nag-viral ang photo ng grupo ni Carlos, na isang model, kung saan kasama nga nila si Chua. Inakala ng mga nakakita sa litrato na kakilala at kaibigan niya ang nadidiin ngayon sa paglabag sa quarantine at health protocols.
Dahil dito, nakatikim din ng batikos si Carlos mula sa madlang pipol kaya naman kinailangan niyang linisin ang kanyang imahe at pangalan lalo pa’t kumakandidato itong konsehal sa Tanauan, Batangas.
Bukod sa pinsan niya ang aktres na si Denise Laurel, apo rin siya ng kilalang Filipina pianist na si Ingrid Santamaria. Siya ay anak ng dating modelong si Crispy Santamaria at ng negosyanteng si Arsenic Laurel.
Sa pamamagitan ng kanyang Facebook account, naglabas ng paglilinaw ang modelo. Aniya, hindi niya personal na kilala si Chua.
“Ms. Gwyneth Chua tested positive on Dec. 27, 2021 and I learned about the result the same day when my cousin messaged our group four (4) days after our dinner.
“I did NOT know she had skipped quarantine nor did I have anything to do with the incident. My immediate response was to antigen myself and my family then isolate to monitor for possible symptoms.
“I then proceeded to inform those I came in close contact with about the current situation.
“Gwyneth is the girlfriend of a friend of my younger cousins who passed by at the end of dinner, Gwyneth was NOT invited to dinner by me or my relatives.
“I do not condone breaching of quarantine protocols, I am fully compliant and in contact with the CIDG and their current investigation on the incident.
“As to not interfere with the said investigation, I was advised by them not to further comment on the situation until its conclusion.
“I hope this has shed some transparency on the false accusations of my involvement in the breaching of quarantine protocols. Thank you again. Stay safe,” ang kabuuang paliwanag ni Carlos.
View this post on Instagram
Update: Negatibo ang resulta ng COVID-19 swab test ng modelo base na rin sa kanyang social media post kung saan ipinakita pa niya ang kopya nito sa publiko.
Ani Carlos, “Nais ko pong ipaabot ang aking lubos na pasasalamat para sa lahat ng aking mga kaibigan na nag-alala, nag-alok ng tulong at nagpakita ng suporta sa aking kalagayan nitong mga nakaraang araw.
“Ako po ay nag-isolate kaagad noong nalaman ko na nagkaroon ako ng exposure sa isang tao na nag-positive para sa coronavirus. Makalipas ang pitong (7) araw mula sa posibleng exposure date ay nagpa-test agad ako (RT-PCR) at negative ang naging resulta nito.
“Dahil dito, lubos po ang aking pasasalamat sa ating Poong Maykapal at sa kasiyahan na makikita at makakasama kong muli ang ating mga kababayan sa Lungsod ng Tanauan.
“Aking laging ipinapaalala ang kahalagahan at ang pagsunod ko sa minimum public health standards at agarang pagbabakuna na siyang nagbigay ng dagdag na proteksyon sa akin.
“Muli, ang inyo pong panalangin, pag-aalala at malasakit ay aking taos-pusong pinahahalagahan. Ramdam ko po ang inyong pagmamahal at buong tiwala sa akin. Isang ligtas at mabiyayang Bagong Taon sa ating lahat!!!”
https://bandera.inquirer.net/301836/poblacion-girl-na-nakipag-party-at-lumabag-sa-quarantine-protocols-sunog-na-sunog-sa-netizens
https://bandera.inquirer.net/301892/poblacion-girl-hindi-tatantanan-ng-gobyerno-staff-ng-bar-sa-makati-nawalan-ng-trabaho
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.