Talunang pulitiko problemado rin sa health ni misis
Wacky Leaks - June 28, 2022 - 10:26 AM
Doble-dagok ang sinapit ng isang sikat na pulitiko sa nagdaang mga buwan hindi lamang sa kanyang political career kundi higit sa kanyang pamilya.
Bago pa man ang nagdaang eleksyon ay tinamaan na ng matinding sakit ang misis ni Mr. Politician na na ayon sa aking spotter ay nauwi sa stroke.
Iyun din malamang ang dahilan kung bakit naging maiinitin ang ulo ng ating bida na nauwi sa pagkadiskaril ng kanyang kampanya sa nakaraang halalan.
Kilalang mahusay na mambabatas ang pulitikong ito pero sa paglipas ng panahon ay tila kinain na rin ng kayabangan ang kanyang pag-iisip.
Mismong ang kanyang mga staff ang nakakapansin na ang pagiging “zealous” na noon ay nakikita nilang magandang katangian ng ating bida ay nauwi sa kahambugan.
Hanggang sa dumating sa puntong ang pakiramdam daw nya sa kanyang sarili ay siya na lamang ang laging tama kaya dapat na siya lang ang laging nasusunod.
Sa kanyang mga huling buwan sa pwesto ay naging sunud-sunod rin ang pag-alis ng kanyang mga tauhan dahil sa masasakit na mga pananalita na ginagawa ng ating bida.
Dumarating rin ang punto na ang simpleng paninita ay nauuwi na sa personal na panlalait sa kapasidad ng kanyang mga staff ayon pa sa aking spotter.
Noong una ay kaya pa raw pagpasensyahan ng kanyang mga staff ang tantrums ni Sir dahil sa tingin nila ay stressed lamang ito sa sitwasyon ng kanyang may sakit na misis.
Pero hanggang sa nagtagal ay kanilang napansin na sobra na ang mga pananalitang pinapakawalan ni Mr. Politician.
Hanggang sa kampanya ay dala niya ang init ng ulo na naging problema maging ng mga nakasama niya sa entablado.
Dahil na rin seguro sa kanyang edad kaya tama lang na magretiro na sa pulitika ang ating bida na ilang beses ring naghangad na maging pangulo ng bansa.
No more clues dahil kilala na ninyo siya na isa sa may pinakamadaldal na bibig sa larangan ng pulitika sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.