Congresswoman may secret na partylist group Bandera

Congresswoman may secret na partylist group

Den Macaranas |July 12,2022
share this

Congresswoman may secret na partylist group

Den Macaranas |
Wacky Leaks
July 12, 2022 - 04:16 PM

partylist representative 2022 elections

Nabisto na isa rin pa lang kongreista ang nagmamay-ari o nagpapatakbo ng isang nanalong partylist group sa katatapos na halalan.

Si madam congresswoman daw, ayon sa aking cricket, ang nasa likod ng isang partylist group na medyo sikat sa kasalukuyan.

Nabisto ang katotohanan nang magreklamo ang first nominee na sinipa sa kanilang grupo.

Si Mr. First Nominee ang nagpakapagod sa kampanya, gumawa ng kanilang political plan and strategies pero nang manalo sa eleksyon ang grupo ay bigla siyang sinabihan na umalis sa pwesto.

Ito ay para magbigay daan sa isang retiradong opisyal na maupo bilang kinatawan sa kongreso ng kanilang partylist organization.

Sinabi ng aking cricket na isang incumbent partylist representative rin ang nasa likod ng bagong partylist group na tinutukoy natin.

Ito yung matagal ko nang sinasabi na isang malaking kalokohan ang partylist representation sa bansa dahil ginagawa lamang itong palabigasan ng ilang pulitiko.

Hindi ko nilalahat dahil meron pa rin namang matitinong partylist representative ang tunay namang naglukubgkod sa kanilang kinakatawang sektor.

Sinabi ng aking cricket na pondo sa komite at impluwensya sa pulitika ang dahilan kung bakit nanganak ang partylist group ni madam.

Kilala ang mambabatas na ito na nakadikit sa kung sinuman ang nasa Malacanang.

In short trapo na balimbing pa. Antabayanan ang karugtong ng kwentong ito para sa iba pang detalye ng kalokohan ng grupong ito.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending