Anak ng kilalang aktres usap-usapan kung sino ang tunay na ama, hindi raw kamukha ng kasalukuyang partner
NAGTATAKA kami kung bakit binabantayan ng ilang “Marites” sa showbiz ang bawat post ng aktres sa social media account niya kasama ang kanyang pamilya. Para sa amin ay wala namang kakaiba.
“Ano ka ba, pansinin mo nag-iiba na ang itsura ng anak ni (aktres). Parang hindi niya kamukha at hindi rin kamukha ng partner niya,” bulong ng aming source.
Napa-‘huh’ kami sabay check sa social media ulit ng aktres at sa totoo lang wala kaming makitang iba, unless mahina kaming kumilatis o baka tumaas na naman ang grado ng kakapagawa naming salamin sa mata.
Anyway, sinipat-sipat talaga namin at ilang minuto naming tinititigan ang bagets na mahigit dalawang taon na at sabay titig din sa sinasabing di umano’y ama ng bata parang may pagkakahawig nga. Pero hawig din naman sa kasalukuyang partner ng aktres.
Baka Bet Mo: Whamos Cruz ibinandera ang pagiging ama, hirit ni Xian Gaza: Huwag naman sana niyang maging kamukha
Sabi namin sa aming kausap na kung sinuman ang tunay na ama ng bata ay parang hindi na rin naman ito planong ilabas ng aktres kung totoo man dahil masaya sila ngayon ng partner niya dahil may “anak’” na sila.
At sa sinasabing umano’y ama ng bata ay parang wala rin naman itong planong maghabol dahil ayaw niya ng isyu lalo’t maganda ang career niya ngayon dahil sa kaliwa’t kanan proyekto, bukod pa sa nakikita niyang magandang pag-aalaga sa sinasabing anak daw niya.
May ganitong kuwento rin tungkol sa mga sumikat na artista noong araw na hanggang ngayon ay hindi alam ng publiko na nagkaanak ang aktres sa aktor na pareho nilang kinalimutan na dahil pareho silang masaya na ngayon sa buhay kapiling ang kanilang mga asawa’t mga anak.
Ang anak ng aktres ay kamukhang-kamukha na ng aktor at hindi ng kinikilala nitong ama.
Going back sa aktres na laging binabantayan ng ilang Marites sa showbiz ay mukhang pinaghahandaan na niya ang araw na posibleng pumutok sa publiko ang kanyang iniingatang lihim.
Related Chika:
JM de Guzman: Hindi ko alam kung magmamahal ako ulit
Xian Gaza binigyan ng P2k ang nagsabing kamukha niya si Daniel Padilla
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.