JM de Guzman: Hindi ko alam kung magmamahal ako ulit | Bandera

JM de Guzman: Hindi ko alam kung magmamahal ako ulit

Ervin Santiago |April 28,2021
facebook
share this

JM de Guzman: Hindi ko alam kung magmamahal ako ulit

Ervin Santiago - April 28, 2021 - 09:14 AM

BINABANTAYAN pa ni JM de Guzman ang takbo ng kanyang isip at puso ngayon kaya malamang daw na hindi pa ito ang tamang panahon para umibig siyang muli.

Aminado ang Kapamilya actor, na marami pa siyang dapat patunayan at ayusin sa personal niyang buhay bago niya masabi na handa na uli siyang pumasok sa bagong relasyon.

Nakipagchikahan si JM kay Toni Gonzaga sa online show na “I Feel U” at dito nga siya nagkuwento tungkol sa takbo ng buhay niya ngayon at sa kanyang showbiz career.

Simulang kuwento ng binata, isa sa mga pangunahing rason kung bakit siya pumasok sa Philippine Air Force ay para ma-give back sa lahat ng blessings na natatanggap niya.

Natanong kasi siya kung ano ba talaga ang ginagawa at responsibilidad ng isang Air Force reservist sa bansa. Aniya, maaari silang tawagan anumang oras para magserbisyo sa bayan kung kinakailangan.

“Personally sa mga pinagdaanan ko sa buhay gusto ko ‘yung blessings na natatanggap ko, gusto ko ibalik. Kaya ako nagre-relief (mission) katulong ng Air Force,” paliwanag ng isa sa mga bida ng Kapamilya series na “Init Sa Magdamag” kung saan kasama rin niya sina Gerald Anderson at Yam Concepcion.

Kasunod nito, nabanggit ni JM na may mga blessings na dumating sa kanyang buhay na feeling niya ay hindi niya deserve lalo na noong napariwara ang buhay niya at  dumaan sa matitinding pagsubok.

“Personal na opinion ko ‘yun, dahil sa mga nangyari sa past. Maano sa dibdib na ‘di mo share o bilangin mo,” sabi ng aktor.

Ngunit aniya, yung mga magagandang opportunities na dumarating sa kanya ngayon ay deserve na niya dahil pinag-iingatan na niya ito at binibigyang-halaga bukod pa sa effort niya na ipagpatuloy ang kanyang pagbabagong-buhay.

“Ngayon siguro (itong teleseryeng Init Sa Magdamag), ‘yun deserve ko. Taking care of myself. And still seeking to improve my craft. Mag-deliver pa,” sabi pa ng binata.

Samantala, sinabi rin ni JM na marami siyang natutunan sa pagganap bilang Peterson sa bago niyang teleserye kasabay ng pag-amin na hindi pa siya sure kung makakahanap pa siya ng bagong girlfriend.

“Sa pag-tackle ko ng role, may mga natutunan din ako sa sarili ko. Like kung paano ako magmahal, kung paano ako humarap sa mga specific circumstance. Hindi ko alam kung magmamahal ako ulit, eh.

“Binabantayan ko ‘yung emotional state ko sa ngayon. Pinapa-mature ko pa, kasi kakasimula ko lang ulit.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I’m really looking forward sa mga next chapters pa ng buhay ko. Ewan ko kung ano pang mangyayari, pero I’m preparing and making it stronger,” dagdag pang paliwanag ng aktor.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending