Dating sexy star na si Katrina Paula nilaglag si Sabrina M: 'Walang relasyon na naganap sa kanila ni Rico Yan, baka nagkatikiman lang' | Bandera

Dating sexy star na si Katrina Paula nilaglag si Sabrina M: ‘Walang relasyon na naganap sa kanila ni Rico Yan, baka nagkatikiman lang’

Reggee Bonoan |July 12,2023
facebook
share this

Dating sexy star na si Katrina Paula nilaglag si Sabrina M: ‘Walang relasyon na naganap sa kanila ni Rico Yan, baka nagkatikiman lang’

Reggee Bonoan - July 12, 2023 - 06:23 PM

Dating sexy star na si Katrina Paula nilaglag si Sabrina M: 'Walang relasyon na naganap sa kanila ni Rico Yan, baka nagkatikiman lang'

DIRETSONG tinanong ni Nanay Cristy Fermin ang dating sexy star na si Katrina Paula na kaibigan ni Sabrina M kung totoong nagkaroon ito ng relasyon sa namayapang si Rico Yan.

Ito kasi ang sinabi ni Sabrina M sa isang presscon bagay na ikinagulat ng marami dahil wala namang maalala ang entertainment press na nadikit ang pangalan ng namayapang aktor sa dating sexy star.

Si Katrina ang guest kaninang tanghali sa programang “Cristy Ferminute” na napapakinggan sa Radyo 5 92.3 TRUE FM at napapanood sa One PH YouTube channel kasama si Romel Chika.

“’Nay wala! Walang relasyon na naganap sa kanila, baka nagkatikiman sila. Pero ‘yung relasyon hindi ko alam kung saan nanggaling. Kasi ang tagal kong naging kaibigan si Sab, eh,” sabi ng kaibigan ni Sabrina M.

Saka binanggit ng “CFM” host ang dalawang dekadang kuwento na siya mismo ang nagsulat na magkakasama sina Katrina, Sabrina, Marvin Agustin, Dominic Ochoa at Rico sa Clark noon.

Hindi binanggit ni ‘Nay Cristy kung sino ang nakapartner ni Katrina at kung naging karelasyon nito ang sinabing businessman na ngayon, “Wala nanay, dala lang ng kabataan mapusok.”

Tinanong ni Nanay Cristy kung may naganap kina Sabrina at Rico noong panahong magkakasama sila.

“Wala, eh. Paano naman ‘yun ‘Nay, e, nando’n kami. Sobrang bait po ni Rico Yan, sobrang marespeto. Pinatuloy niya kami ro’n (bahay) siya na lang nag-give way para makatulog o makahiga kami sa kama,” paliwanag ni Katrina.

Nagbalik-tanaw naman ang batikang manunulat at host na noong namayapa si Corics taong 2002 ay nandoon siya gabi’t araw sa burol pero hindi nito nakita si Sabrina at maging sa libing ay wala rin ang sexy star.

“Paano niya nasabing magka-live in sina Sabrina at Rico, e, ang magka-live in noon, si Claudine (Barretto) at si Rico?” diin ni ‘Nay Cristy.

Baka Bet Mo: Sabrina M puro ‘fake news’ daw ang pinagsasabi tungkol sa love story nila ni Rico Yan; Claudine magdedemanda

“Nagpunta kami no’n Nay sa La Salle kasi naging magkaibigan kami ng tropa Whattamen at saka kami pero (natawa), hindi ko alam saan nanggaling ‘yung two and a half years, eh.

“Si Sab sobrang crush niya si Rico Yan tapos nagkaroon nga ng pagkakataong nagka-bonding kami. Kami ni Marvin nagkalandian pero hindi ko alam ‘yung sitwasyon na sinasabi ni Sab.

“Nasabi ni Sab na nagkaroon ng relasyon pero walang relasyon siguro nga nagkatikiman sila pero walang relasyon,” paliwanag ni Katrina na halatang inaalala ang nakaraang magkakasama sila ng Whattamen guys.

Inamin din ni Katrina na nagkausap sila ni Claudine at ipinakilala nito ang sarili at sabi nga raw ng huli na kilala siya at sabay tanong kung kaibigan nito si Sabrina.

“Confident akong sumagot ng oo kaibigan ko si Sabrina tapos sabi niya, ‘baka puwede akong makiusap sabihan mo naman ‘yung friend mo (tigilan na si Rico Yan) na ‘wag na niya akong idamay.  Ganu’n siya kalumanay, alam mo ‘Nay gusto kong matunaw sa kinauupuan ko bakit ko ba nasabing kaibigan ko si Sabrina (natawa),” kuwento ni Katrina.

Opinyon naman ni ‘Nay Cristy, pinoproteksyunan ni Claudine si Rico Yan at lahat ng kasalanan ay inako niya na sinabing siya ang pinakamasamang nakarelasyon ni Rico noong nabubuhay pa ito.

“Tinanggap lahat ni Claudine ‘yun para lang huwag mapasama ang pangalan ni Rico Yan Tapos ngayon may magsasabing habang magkarelasyon sila (Rico at Clau), e, naging sila rin pala ni Sabrina. Anong punto mo ro’n?” tanong ni Nanay Cristy kay Katrina.

“Si Sabrina matagal ko ng kaibigan pero hindi ko talaga alam bakit niya ginawa ‘yun. Hindi ko alam kung bakit siya nagbukas (ng isyu). Kawawa naman si Rico Yan paano niya ipagtatanggol dahil wala na siya,” saad ni Katrina.

Nagha-hallucinate raw si Sabrina, “Hindi naman na ‘Nay nagbago na si Sab, wala na siya sa stage na ganu’n. Baka gusto lang niyang sumikat kaya gnau’n. ‘Nay uulitin ko lang po hindi ako nakikisawsaw sa isyu na ito, sobrang nabaitan lang ako kay Claudine Barretto.”

Tanong naman ni Romel Chika, ano ang payo ni Katrina kay Sabrina, “Siguro ito na ‘yung time na FO (face off) na kami, kasi nagsalita na ako, kasi ‘yung totoo lang naman ang sa akin, eh.”

Samantala, mukhang hahanapin ng press si Dominic Ochoa dahil siya raw ang bestfriend ng namayapang si Rico kaya posibleng may alam siya sa kuwentong Sabrina at Corics.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Sabrina M may pasabog, naging dyowa noon si Rico Yan

Katrina Paula umamin: Natatakot dalawin si Sabrina M sa kulungan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending