Ex-sexy star mas wais kay Sabrina M kaya gumanda ang buhay
HINDI sa lahat ng pagkakataon ay totoo ang kasabihan sa wikang Ingles na “Misery loves company.”
Former sexy stars and buddies Katrina Paula and Sabrina M—whose last two syllables in their names may be the same in sound and spelling—differ kung direksiyon ng kanilang buhay ang pag-uusapan.
Despite Katrina’s shady and shadowy life and lifestyle ay masasabing ginamit naman nito ang kanyang utak.
Dati mang nalinya sa larangan ng paghuhubad, itinuwid ni Katrina ang buhay ng kanyang mga anak ingraining in them the value of education. Siniguro niya ang kinabukasan ng mga ito lalo owing it to the fact na kahit ang balon na pinagkukunan ng tubig ay natutuyo rin.
Credit also goes to Katrina’s circle of well-meaning friends who know how hard times can be kaya ganu’n na lang kung payuhan siya ng mga ito when it comes to financial management.
Waldas at bulagsak kasi si Katrina developing hostility towards money (galit sa pera) na napakadaling mag-isip ng pagkakagastusan sa mga bagay na hindi naman kailangan, kundi man walang kapararakan.
While Katrina has managed to straighten her life ay kabaligtaran naman ang piniling landas ng kaibigang si Sabrina M na nagpatianod sa bisyo like many a bold star. A virtual dependent, sa halip na humanap ng paraan si Sabrina na ayusin ang kanyang nasadlak nang buhay into the limbo of nothingness ay nakuha pa nitong magbisyo.
Ang inuurot niyang pambaon ng kanyang mga anak mula kay Katrina ay napupunta lang pala sa kanyang bisyo. At kung sa selda man ang bagsak niya, Sabrina only has herself to blame.
With the government’s intensified campaign against drugs, dapat pa ngang magpasalamat si Sabrina M that she’s not of those missing persons believed to be victims of summary execution. Buhay siya at may pag-asa pang magbago.
In the meantime, Katrina should continue to do some rethinking lalo sa usapin tungkol sa pagtitiyak ng kinabukasan nilang mag-iina.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.