Sabrina M hugot na hugot sa 'fake friend': 'Kadiri kang maging kaibigan, sis! Naninira kapag nakakatampuhan' | Bandera

Sabrina M hugot na hugot sa ‘fake friend’: ‘Kadiri kang maging kaibigan, sis! Naninira kapag nakakatampuhan’

Ervin Santiago |July 20,2023
facebook
share this

Sabrina M hugot na hugot sa ‘fake friend’: ‘Kadiri kang maging kaibigan, sis! Naninira kapag nakakatampuhan’

Ervin Santiago - July 20, 2023 - 07:19 AM

Sey mo Katrina Paula, Sabrina M hugot na hugot: 'Kadiri kang maging kaibigan, sis! Naninira kapag nakakatampuhan'

Katrina Paula at Sabrina M

PARA nga kaya sa kaibigan niyang si Katrina Paula ang mga nakakaintrigang ipinost ng dating sexy star na si Sabrina M sa kanyang TikTok account?

Ilang video ang ibinandera ni Sabrina M sa naturang social media platform na tumutukoy sa isa raw niyang traydor na friend.

Maririnig ang aktres sa nasabing TikTok entry na nagda-dialogue ng, “Kadiri kang maging kaibigan, sis. Naninira kapag nakakatampuhan.”

Dugtong pa niyang hirit sa inilagay niyang caption, “Real talk… tamaan sapul lang naman.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Maririnig din sa audio ang mga banat na, “Real talk: Balita ko sinisiraan mo daw ako? Natatawa nga ako e. Gano’n din kasi ginagawa mo sa kanila kapag kinakausap mo ako.”

Marami namang netizens ang nagtanong sa dating sexy star kung para kay Katrina Paula ang kanyang mga TikTok video dahil nga sa kinasasangkutan nilang isyu na may kaugnayan sa yumaong aktor na si Rico Yan.

Nagsalita kasi si Katrina sa panayam ni Nanay Cristy Fermin at kinontra ang rebelasyon ni Sabrina na naging magdyowa sila noon ni Rico habang magkarasyon pa ang aktor at si Claudine Barretto.

Baka Bet Mo: Sabrina M may pasabog, naging dyowa noon si Rico Yan

“Walang relasyon na naganap sa kanila. Baka nagkatikiman sila, pero ‘yung relasyon, hindi ko alam kung saan nanggaling,” ang sabi ni Katrina.

Kasunod nito, nagpasalamat naman si Claudine kay Sabrina dahil sa paglantad nito para pabulaanan ang mga pahayag ni Sabrina M.

“I want to thank @realkatrinapaula for telling the TRUTH. Pls thank her for standing up for Rico’s name pati ako.

“I really found a new friend/sister. Thank you so much in behalf ng #rycbforever. I’m happy that this is a start of a new friendship & sisterhood. Sobra sobrang SALAMAT!” ang caption ni Claudine sa ipinost niyang picture nila ni Sabrina sa  Instagram.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sabi naman ni Katrina, malamang na masira na ang friendship nila ni Sabrina dahil dito, “Siguro ito yung time na FO (friendship over) na kami kasi nagsalita ako.

“Pero kawawa naman si Rico Yan. Paano niya ipagtatanggol ang sarili niya, e, wala na siya.

“Uulitin ko lang po, hindi ako nakikisawsaw dito sa isyu na ito. Ako yung totoo lang naman ang akin. Yung totoo lang naman yung sa akin na sasabihin ko. Walang nag-utos. Walang nagsabi,” aniya pa.

Ang mensahe naman niya kay Sabrina M, “Sis, kung dito tayo masisira, wala akong magagawa. Basta ang sa akin, sinabi ko lang yung totoo.

“Kung nagkaroon kayo ng one-night stand, baka one-night stand. Pero yung relasyon na two and a half years, alam mo sa sarili mo na noon mo pa ako kaibigan. Noon pa. Hindi ko alam kung paano mo itinago sa akin yung two and a half years na yon. Wala talagang ganoon,” dagdag pa ni Katrina Paula.

Dating sexy star na si Katrina Paula nilaglag si Sabrina M: ‘Walang relasyon na naganap sa kanila ni Rico Yan, baka nagkatikiman lang’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sabrina M puro ‘fake news’ daw ang pinagsasabi tungkol sa love story nila ni Rico Yan; Claudine magdedemanda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending