Sabrina M may pasabog, naging dyowa noon si Rico Yan | Bandera

Sabrina M may pasabog, naging dyowa noon si Rico Yan

Therese Arceo |July 07,2023
facebook
share this

Sabrina M may pasabog, naging dyowa noon si Rico Yan

Therese Arceo - July 07, 2023 - 07:28 AM

Sabrina M may pasabog, naging dyowa noon si Rico Yan
MAY bonggang rebelasyon ang 90s sexy star na si Sabrina M ukol sa namagitan sa kanila ng pumanaw na aktor na si Rico Yan.

Sa press conference para sa pelikulang “Manang” kung saan isa siya sa mga cast ay inispluk niya ang nakolokang balita from the past.

Lahad ni Sabrina, ito raw ang unang pagkakataon na aamin niya ang tungkol sa kanila sa publiko.

Natanong kasi siya ng isa sa mga miyembro ng media kung gagawing pelikula ang kanyang buhay, magiging bahagi nga ba si Rico.

Sagot ni Sabrina, “Sure”.

Dito ay inilahad niya kung bakit pinili nilang itago ang kanilang relasyon.

“About nung kay Rico Yan, oo bata pa kami nyan, ang image niya kasi is wholesome eh. Ako nagpapas3xy ako nuon sa pelikula. So kung nagkaissue kaming dalawa, maraming masasabi sa akin. So better kung ano man yung nagkaroon kami ng relasyon, itinago na lang namin yun,” pagbabahagi ni Sabrina.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sabrina M Maricaren Pallasigue (@therealsabrina_m)

Baka Bet Mo: Janina San Miguel, Sabrina M, Alma Soriano sasabak sa unang Mrs. Face of Tourism Philippines pageant

Sundot na tanong sa aktres kung may katotohanan ba na inaway at sinugod siya noon ni Claudine, ang kilalang onscreen at real life dyowa noon ng aktor.

Agad naman itong pinabulaanan ni Sabrina at sinabing hindi siya inaway ni Claudine.

Ang naging relasyon daw nila ni Rico ay tumagal rin ng taon.

“Napakabait ni Rico Yan. After Claudine, naging kami ni Rico Yan. Matagal kaming nagkarelasyon. Taon. Noong nag-uumpisa na yung tsismis sa akin, dinudurog na agad ako. Rico Yan yan eh. Bakit siya pumatol sa isang sultry star. Bakit siya pumatol sa isang hubadera,” kuwento ni Sabrina.

Aniya, talagang pinagtanggol raw siya ng aktor laban sa mga taong may negatibong sinasabi ukol sa kanya.

Dagdag pa niya, “Pero bilib ako kay Rico dahil hindi siya mapanghusga. Pinagtatanggol pa niya sa ibang tao. Sinasabi niya kilala ko si Sabrina M, kaya huwag ninyo siyang i-judge.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Krista mas matindi ang haharaping kaso kesa kay Sabrina M

Joey de Leon binatikos ng netizens dahil sa ‘Francise M’ joke: ‘Respeto naman’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending