Joey de Leon binatikos ng netizens dahil sa ‘Francise M’ joke: ‘Respeto naman’
HINDI nagustuhan ng mga netizens ang pabirong sagot ni Joey de Leon sa isang netizen sa Twitter.
Nitong May 31, matapos ang kanyang pamamaalam sa TAPE Inc, kasama sina Vic Sotto at Tito Sotto ay nag-trending agad ito dahil sa naging reaksyon niya nang mawala ang prangkisa ng ABS-CBN.
“Joey de Leon several times threw shade ‘kami may franchise’. Now he’s experiencing the same for at least one day,” saad ng netizen.
Sey ng netizen, halos parang nasa parehas na estado ang nangyayari ngayon sa “Eat Bulaga” at sa tinatawanan niyang ABS-CBN noon.
At mukha ngang active sa kanyang social media accounts si Joey dahil kahit na hindi siya naka-tag sa naturang post ay nakita niya ito.
Nag-reply pa nga ang TV host-comedian sa naturang tweet at idinaan ito sa wordplay.
Baka Bet Mo: Joey bumanat sa mga nagpapakalat ng fake news; suportado si Tito sa pagtakbo
Joey de Leon several times threw shade “kami may franchise”.
Now he’s experiencing the same for at least one day.
— tenchi #JoinGURANGTwt (@tenchi_MNL) May 31, 2023
“Totoo naman talaga yun pero nawala rin…si Francise M. Gets?” reply ni Joey.
Gets naman ng netizens na gusto nitong maging funny sa sagot sa paggamit ng pangalan ni Francis M o Francis Magalona na dati rin nilang kasama sa “Eat Bulaga” na matagal nang namayapa.
Marami naman sa mga netizens ang tila napataas ang kilay sa ginawang joke ni Joey lalo na’t patay na ang master rapper.
“This guy made a joke at the expense of his ‘friend’, who got his life cut short by cancer. In his mind, this is funny,” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “Thats not funny.never make a joke to your friend that already died in a tragic way. henyo ka pa ng lagay na yan ah? Respeto naman mr Joey de leon.”
Sey naman ng isa, “This is clearly making fun of a dead person. Yes, Sir Francis M. may be gone for 14 years now, but his death obviously isn’t something to be made fun of, especially that he was a solid Dabarkas from the 90’s till the day he passed away in 2009.”
“Face it Joey, you’re not funny and nobody likes you. Alam mo ba na sa modern day, when someone gives corny joke, we call them Joey De Leon? You’re old, irrelevant, careless, and just a Has Been. Tito and Vic are still funny though. You? You’re jokes are JOEY DE LEON,” hirit pa ng isa.
May mga netizens rin na nag-tag sa mga kaanak ni Francis Magalona sa Twitter upang ipaalam ang “joke” ng isa sa miyembro ng TVJ.
Sa ngayon ay wala pa namang reaksyon ang mga ito sa pahayag ni Joey.
Related Chika:
Joey de Leon tsinatsansingan noon si Lolit Solis; may dream project para sa lahat ng ‘Eat Bulaga’ Dabarkads
Vice Ganda super happy sa kanyang kaarawan, binati ni Joey de Leon at iba pang ‘Eat Bulaga’ hosts
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.