Sabrina M puro 'fake news' daw ang pinagsasabi tungkol sa love story nila ni Rico Yan; Claudine magdedemanda | Bandera

Sabrina M puro ‘fake news’ daw ang pinagsasabi tungkol sa love story nila ni Rico Yan; Claudine magdedemanda

Reggee Bonoan |July 11,2023
facebook
share this

Sabrina M puro ‘fake news’ daw ang pinagsasabi tungkol sa love story nila ni Rico Yan; Claudine magdedemanda

Reggee Bonoan - July 11, 2023 - 07:49 PM

Sabrina M puro 'fake news' daw ang pinagsasabi tungkol sa love story nila ni Rico Yan; Claudine magdedemanda

Claudine Barretto, Rico Yan at Sabrina M

“ITO nag-iilusyon na naging dyowa raw niya si Rico Yan! Sumalangit nawa ang aking anak-anakan na naging dyowa raw niya for two years sabi ni Sabrina M.”

Ito ang bungad ni Ogie Diaz sa vlog nilang “Showbiz Update” kasama sina Mama Loi at Ate Mrena na in-upload sa YouTube ngayong hapon.

“Isang sexy star na nagbabalik at nagpo-promote ng pelikula na ginagamit si Rico Yan. Ang claim niya alam daw at aware si Claudine Barretto at si Bobby Yan (kuya ni Rico) na naging syota siya (Sabrina M) ni Rico Yan for two years, Diyosko naman!” ang sabi pa ni Ogie.

Susog ni amama Loi, “At saka siya raw ‘yung huling naging girlfriend, di ba?”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sagot ni Ogie, “Nakakaloka! Alam mo March 29, 2002 namatay si Rico Yan tapos ngayon (after) 21 years? After 21 years may magki-claim na naging dyowa siya ni Rico Yan?

“Kung kaya lang namin kumuha ng medium (taong may kakayahang makipag-usap sa patay) ay doon namin kakausapin si Rico Yan. Si Sabrina naman!

“Hindi raw totoo! Hindi po totoo dahil sinabihan na ng isang kaibigan (niya) si Sabrina M na huwag nang ikakalat ang hindi totoo.

“Dahil ang totoo naging gentleman si Rico Yan sa kanilang lahat sa kanilang mga girls (sexy stars) and that includes  Sabrina M. Kaya bakit daw nag-iilusyon si Sabrina M na naging sila ni Rico Yan.

Baka Bet Mo: Claudine naiyak sa paggunita ng death anniversary ni Rico Yan; personal na inimbita ng ina ng yumaong aktor

“Magpo-promote lang ng pelikula gagamit pa ng pangalan ng patay! Ano ba ‘yan Sabrina M magbabalik tapos negative!” sabi pa ng talent manager.

Napapaisip din si Mama Loi, “Bakit niya naisip ‘yun ‘Nay kung hindi totoo? At kaibigan na ni Sabrina M ‘yung nagsabi sa kanya na tigilan na niya at alam mo naman ang totoo hindi naman talaga nangyari sa inyo ‘yan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Margaret Barretto (@claubarretto)


Sagot ni Ogie, “Sabi raw ni Sabrina M, ‘e, hayaan mo na nandiyan na ‘yan.’”

At dito na binanggit ng talent manager at content creator na nabubuwisit si Claudine na siyang alam ng lahat na huling karelasyon ni Corics (pet name ni Rico).

“Balak magdemanda ni Claudine Barretto dahil hindi raw totoo ‘yung sinasabi ni Sabrina M na aware si Claudine at ginagamit pa si Bobby Yan.

“E, ang claim pa ni Sabrina M ay binigyan pa siya ng bulaklak ni Bobby Yan para ilagay do’n sa nitso bago isara, hindi rin naman daw totoo!” kuwento ni Ogie.

Gusto rin naming sang-ayunan ang sinabing ito ni Ogie na hindi totoong nagbigay si Bobby Yan ng bulaklak bago ilibing ang aktor dahil base sa pagkakatanda namin ay hindi namin nakita si Sabrina M sa libing ni Rico kaya paano siya aabutan ng bulaklak ng kuya ng namayapang aktor.

Isa kami sa nakipaglibing noon kay Corics at kasama namin ang ina ni Judy Ann Santos na si Mommy Carol Santos.

“Bakit Sabrina? Bakit kailangang mag-imbento? Kung gustong magbalik?” diin pa ni Ogie.

Sabi rin ni Mama Loi, “Kung gumagawa siya ng story bakit nga ba si Rico Yan ang naisip niya?”

“Ewan ko, Dyosko napaka-gentleman nu’ng tao, ‘yung breeding ni Rico Yan, kahit ako close kay Rico Yan, e, ako nga ‘yung atungal nang atungal do’n hindi nga ako binigyan ng bulaklak. Ha-hahahaha! Nag-ilusyon pa ako?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by @ricoyanfan_


“Dyosko naman, Sabrina naman tigilan mo na ‘yan baka isipin ng mga tao na ‘ano ba ‘yan si Sabrina M, bumalik na naman ba sa bisyo? (sabay pakita ang mugshot ng sexy star noong Setyembre 2018, nakalaya dahil nakasuhan na related sa drugs). Dapat kung magbabalik (showbiz) clean slate ‘wag kang gagamit ng ibang tao. Ipahinga mo ‘yang idea mo na ‘yan,” pahayag ni Ogie.

Si Sabrina ay nahuli noong Setyembre 25, 2016 sa isang anti-drug operation ng District Anti-illegal Drugs-Special Operations Task Group (DAID-SOTG) and District Special Operations Unit (DSOU).

Payo pa ni Ogie, “Wag ka gagamit Sabrina ng tao at saka paano niya ipagtatanggol ang sarili niya, patay na siya. Sinong puwedeng sumegunda sa sinabi mo? Wala di ba? Ikaw lang nakakaalam!”

Hirit ni ate Mrena, “Teka lang kanina pa ako nakikinig sino ba ‘yang Sabrina M na ‘yan hindi ko naman kilala!”

Tawang-tawa naman sina Ogie at Mama Loi sa reaksyon ng kasama nila sa “Showbiz Update.”

“Ayan nga nagpapakilala tapos gumagamit ng patay. Sabrina ipahinga mo ‘yan ha. Puwede ka namang humingi ng tulong para i-promote ‘yang pelikula mo utang na loob ‘wag ng gumamit ng patay.

“Kasi nakakahiya ‘yan gumamit ka na nga ng ibang tao tapos patay pa, hindi rin naman kikita ‘yang pelikula mo, paano?” diretsong sabi pa ni Ogie.

Bukas ang BANDERA sa panig ni Sabrina M tungkol sa isyung ito.

Sabrina M may pasabog, naging dyowa noon si Rico Yan

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Joey de Leon binatikos ng netizens dahil sa ‘Francise M’ joke: ‘Respeto naman’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending