Claudine Barretto binisita ang puntod ni Rico Yan, netizens napataas ang kilay | Bandera

Claudine Barretto binisita ang puntod ni Rico Yan, netizens napataas ang kilay

Therese Arceo |April 14,2023
facebook
share this

Claudine Barretto binisita ang puntod ni Rico Yan, netizens napataas ang kilay

Therese Arceo - April 14, 2023 - 07:01 PM

Claudine Barretto binisita ang puntod ni Rico Yan, netizens napataas ang kilay

USAP-USAPAN ngayon ang aktres na si Claudine Barretto matapos mag-viral ang video ng kanyang pagdalaw sa puntod ng dating karelasyon na si Rico Yan.

Nitong Huwebes, April 13, ibinahagi niya sa kanyang Instagram page ang naturang video kung saan makikitang kahit gabi na at madilim ay dinalaw pa rin ng aktres ang dating kasintahan noong Easter Sunday.

“Late post. #eastersunday late night visit #claudinians #rycb,” saad ni Claudine sa caption.

Makikitang naka-tag rin ang kapatid ni Rico na si Tina Yan na super happy sa muling pagdalaw ng aktres sa namayapang aktor.

“Awwww… thank you for visiting him again Claude! [three red heart emojis] See you in September! Love you!” comment ng kapatid ni Rico.

Sagot naman ni Claudine, “i miss u Tinee. [I’ll] call u tom. Giv[e] my [love] to the kiddos & to Chad. [I’ll] be there beside [yo]u in September. Can’t wait. I’m so excited.”

Samantala, umani naman ng samu’t saring komento mula sa mga netizens ang ginawang pagbi-video ng aktres sa kanyang pagdalaw.

May ilan na kinilig at natuwa sa ginawa ni Claudine at hinihiling na sana ay muling ipalabas ang mga pelikula at seryeng kanilang pinagbidahan.

Baka Bet Mo: Ogie Diaz kay Claudine Barretto: Sana hindi na niya ginamit si Rico Yan

“Ito talaga yung literal na pinagtagpo pero di tinadhana hay puso ko,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng tila kasama ni Claudine nang dumalaw sa namayapang aktor, “Eh ung naglinis ka pa dyan at nag dust pa. I love you and id go to mmp with u anytime of the day.”

“Great loveGreat love indeed do exist, Ang swerte ni Rico someone love him deeply and sincerely as you do. I hope someday you can find someone who can truly loves you too and understand your love for rico because you deserve to be loved too. And of course i hope that someone will love and care your children like his own. Wish you love, peace and happiness always @claubarretto.. mahal na mahal ka namin, we will always love and support you no matter what.”

Samantalang may iba na hindi nagustuhan ang ginawa ni Claudine at sinabing “ginagamit” na naman daw nito ang dating karelasyon para umingay ang pangalan.

“Girllll patahimikin mo na… ok lng n dumalaw ka pero yung may pa video eme kapa.. clout chaser kana kaumay,” sabi ng isang netizen.

Chika naman ng isa, “claudine visiting rico is the only thing that makes her ‘relevant’ kaya panay balik kaloka let his grave and soul rest.”

“Jusko ayaw pa patihimikin si rico. Pwede k naman dumalaw girl and ivideo pero para san at ilagay mo pa sa social media. Jusme,” hirit naman ng isa.

Sey pa ng isa, “I thought this is a buybust operation or a ghost hunting ng 3AM.”

Matatandaang ang huling post ni Claudine ay noong nag-birthday ang namayapang aktor, March 14, 2023.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Claudine 2 beses iniligtas ni Ate Vi: ‘Because of you, my children still have a mom’

Claudine Barretto nagpakita ng suporta kay Bongbong Marcos, pero bakit nakaladkad sa isyu si Rico Yan?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending